Magdamag will be screened in cinemas starting September 15

by Mell Navarro
Wednesday, September 1, 2010 05:39 PM
Bookmark and Share

Rating


<em>Magdamag</em> will be screened in cinemas starting September 15


"Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, isipin mo na lang na para ka lang naka-swimming trunks. Kung gusto mo, doblehin mo'ng briefs mo!' Ayun, nanginginig rin siya... Mahiyain siya, e," says Rita Avila about her leading man Edgar Allan Guzman.

 

Bihira nang gumanap sa pelikula sa ngayon si Rita Avila, na nakilala sa ilang mga pelikula ng Seiko Films ni Robbie Tan noong 1990s.  A couple of years ago, ginawa niya ang Padyak, isang indie film ni Direk Aloy Adlawan, pero isang ensemble film ito.

 

Ngayong 2010, nagbabalik-indie film si Rita, pero this time, bidang-bida siyang muli as lead actress para sa pelikulang Magdamag. Ang character niya ay mayroong May-December love affair sa bagets actor na si Edgar Allan Guzman (past Mr Pogi winner ng Eat Bulaga).

 

Ang Magdamag ay kuwento ng isang nasa 40's nang babae na nahulog ang loob para sa isang bagets na lalaki (early 20's) sa isla ng Boracay noong panahon ng Holy Week. Sa isang buong "magdamag" lang umikot ang buong pelikula na pinamahalaan ni Joven Tan mula sa script ni Jerry Gracio, at produced nina Noel Ferrer at Ryan Enriquez.

 

Nakadalawang premiere nights/advanced screening na ang Magdamag--ang una bilang NETPAC entry ng Cinemalaya 2010 noong July sa Cultural Center of the Philippines at ang isa'y noong Agosto naman sa Cine Adarna ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

 

Regular showing na ang nasabing pelikula ngayong September 15, 2010 sa ilang mga indie cinemas.

 

Ano nga ba ang rason at napapayag si Rita na gawin ang Magdamag na may sensitive love scenes sila ng mas bata sa kanyang si Edgar Allan?

 

"Nagustuhan ko ang script.  It's a very, very good script," simula ni Rita nang minsang makapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP). 

 

"And it's a challenge for me dahil it's just a two-character film.  Kaming dalawa lang ni Edgar ang lumabas sa buong pelikula, sa entire film.  So, bago."

 

Hindi ba siya nagdalawang-isip dahil ngayon niya lang yata gagawin ang isang May-December love affair film na may sexy love scenes pa?

 

"No! Uso ang mga cougars ngayon!" tawa ng alaga ni Malou Choa-Fagar. "Open ako sa mga ganitong klase ng roles, walang problema sa akin."

 

Ang role na ginagamapan niya dito ay ibang-iba sa napapanood sa kanya ng mga tao sa ginagawa niya sa mga teleseryeng nilalabasan niya lately.

 

"Yah, ibang-iba, kasi, usually, sa TV ngayon, mother roles ang nabibigay sa akin.  Mga nanay-nanay roles. 

 

"Pero dito, ang challenge sa akin dito, since dalawa lang kaming characters for the entire film, that's enough challenge already. 

 

"Tapos, I didn't know Edgar Allan pa, e.  We met a night before the first day shoot.  So, I think, it worked, 'yung pagiging strangers naming dalawa. It was very, very good kasi, magaling 'yung bata that we're able to support each other for all the scenes."

 

So, okay lang sa kanya kahit may daring love scenes with a younger actor?

 

"Funny, kasi, na-shoot namin lahat-lahat muna except the love scenes.  Hinuli ni Direk lahat ng love scenes.  So, pagdating nu'ng love scene, talagang nakaluhod lang kaming dalawa, nanginginig kami.  Sabi ni Direk, 'Ano ba kayo, parang ngayon ko lang kayo nakitang tensiyonado?'"

 

Na-tense siya sa love scenes?

 

"Yeah," pag-amin ni Rita.  "Always naman in doing love scenes.  A love scene can always makes me tense, kasi, siyempre, 'di ba, actor to actor 'yan... "

 

Pero sa loob ng mahaba-haba na ring tinakbo ng movie carer ni Rita, aminado siyang si Edgar ang youngest leading man na nakapareha niya to date.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »


Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on Twitter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement