Movie extra Lilia Cuntapay bagged her biggest role to date in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 entry Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay. Her performance in the film won for her her first acting trophy. Photo: Allan Sancon

Kagabi, November 13, ay ginanap ang awards night ng Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 sa RCBC Plaza, Makati City.

Ang pelikulang Ka Oryang ang nag-uwi ng awards for Best Picture, at Best Director para sa direktor nitong si Sari Lluch Dalena.

Ang Ka Oryang ay tungkol sa paghihirap ng mga babaeng na-torture noong Martial Law.

Ngunit ang big winner sa gabing iyon ay si Lilia Cuntapay, ang beteranang extra sa mga pelikulang horror.

Ang pelikula niyang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ay nanalo ng pinakamaraming awards: anim, kasama na ang Audience Choice Award, Best Screenplay, at Best Actress award para kay Lilia Cuntapay.

Ang Cinema One Originals Digital Film Festival ay ang taunang festival para sa mga independent films, na sponsored ng Cinema One, isa sa cable channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Noong 2005 nagsimula ang film festival na ito, at mula noon ay nakapag-produce na ito ng ilan sa mga itinuturing na pinakamagagandang indie films.

Kasama sa mga ito ang Sa North Diversion Road (2005), Huling Balyan ng Buhi (2006), Confessional (2007), Imburnal (2008), Yanggaw (2008), Wanted: Border (2009), Ang Damgo ni Eleuteria (2010), Dagim (2010), at Ishmael (2010).

Ngayong taon, sampung pelikula ang kasali sa Cinema One Originals Digital Film Festival.

Ito ay ang mga sumusunod:

Anatomiya ng Korupsiyon,

Big Boy,

Cartas de Soledad,

Di Ingon Nato,

Ka Oryang,

Mga Anino sa Tanghaling Tapat,

My Paranormal Romance,

Sa Kanto ng Ulap at Lupa,

Sa Ilalim ng Tulay,

at Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay.

Ang lahat ng pelikula ay binuo ng mga baguhang direktor, na binigyan ng Cinema One ng grants na tig-iisang milyong piso para mabuo ang kanilang mga obra.

Sinimulan ang screening ng sampung pelikula noon pang November 9 sa Cinema 4 ng Shangri-La Plaza Mall, at kagabi nga ginanap ang awards night.

Ang mga parangal ay pinagdesisyunan ng isang jury na binubuo ng ilan sa mga mabibigat na pangalan sa larangan ng cinema, dito sa Pilipinas at sa abroad.

STAR-STUDDED. Sa awards night ay dumalo ang ilan sa mga cast ng pelikula, tulad nina Lilia Cuntapay, Emilio Garcia, Mon Confiado, at Emilio Garcia.