Zsa Zsa Padilla says she enjoys working with Eugene Domingo, who plays the mother of Sam Concepcion—the guy who got her daughter, Tippy dos Santos, pregnant. Photo: Ricky Gay

Matapos ang ilang taon ng hindi pagiging visible sa big screen, mapapanood muli si Zsa Zsa Padilla sa isang musical film na magsisilbing tribute para sa APO Hiking Society.

“I play the role of Elaine Fuentabella. I’m the mother of Tippy [dos Santos]. It’s a story about two people who fell in love and they’re both young, so my daughter gets pregnant," Ganito ang naging pagkuwento ni Zsa Zsa Padilla tungkol sa karakter niya sa upcoming musical film na I Do Bi Doo Bi Doo.

“The story revolves around planning their marriage and I am against it because in the movie I got pregnant also.

“The same thing happened to me, I got pregnant but I married young, and I got trapped not in a loveless marriage, but in a marriage that I’m very unhappy with because my husband has no time for me, he’s always buried in work.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Marso 29, sa set ng kanilang pelikula sa Liliw, Laguna.

Bilang isang ina ng tatlong babae, inalam namin ang kanyang saloobin kung sakaling sa kanyang mga anak mismo mangyari ang sinapit ng karakter ni Tippy.

Natawa si Zsa Zsa bago sumagot, “I’m glad that it didn’t happen to them, my youngest is 20.

“Kasi parang I think their whole lives they have heard me, I tell them over and over, ‘please, don’t marry young.’

“You know I was lucky in a sense that I had a baby at 16, I went back to school, I had a career at 18, and you know it doesn’t happen for everyone.

“So, what I went through is hard, and I’ve learned from the mistakes that I’ve made in the past.

“It’s my responsibility to warn them that it’s not easy, and it’s not really easy.”

MUSICAL FILM. Hindi ito ang unang beses na gumawa ng isang musical film ang Divine Diva.

Matatandaan na noong 2006 ay ginawa niya ang pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, kung saan nakasama niya sina Rustom Padilla at Pops Fernandez.

Gayunman kitang-kita ang pagkasabik ng singer-actress sa bawat eksena na kanilang kukunan.