Rocco Nacino shot his death scene for Pedro Calungsod: Batang Martir in Zambales. The young actor is confident he was able to deliver the difficult scene.

Photo: Courtesy of Don Gordon Bell

Naikuwento ni Rocco Nacino sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pelikula niyang Pedro Calungsod: Batang Martir. Isa ito sa entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa December.

“Malapit na kaming matapos. We have two more shooting days.

“Yong last namin, sa Sapatos Island in Zambales namin ginawa. At do’n namin kinunan ang lahat ng eksena ko by the beach.

“Do’n din namin ginawa ‘yong death scene ko.  At the whole day, in character ako.

“Kaya mabigat na mabigat ‘yong eksena namin no’ng pagdating na sa death scene ko.

“I was happy with the scene.  Kasi, nagawa ko nang maayos.”

Excited na ba siya sa sinasabing posibilidad na baka siya ang tumanggap ng Best Actor award sa MMFF this year para sa Pedro Calungsod movie?

“Hindi ko alam!” tawa ulit niya.

“Ewan ko. I’m keeping my fingers crossed! Siyempre.

“But then, uhm… mas iniisip ko na iparating ‘yong message ko sa tao about our saint at ikuwento ‘yong story niya through my role.

“Kaya kung makakuha ako ng comments from people na nagustuhan nila ‘yong pelikula at naintindihan nila and lalo nilang na-appreciate si Saint Pedro Calungsod… award na iyon para sa akin.

“Kung may ibang awards pa man, bonus iyon. Bonus ‘yon.

“Siyempre… who would not want to win an award?”