Alagwa (starring Jericho Rosales), Ang Kwento ni Mabuti (starring Nora Aunor), and On The Job are tied in the PinakaPasadong Pelikula category of the 16th Gawad Pasado. Gerald Anderson (rightmost) of OTJ tied with Jake Cuenca in the PinakaPasadong Katuwang na Aktor category.

Naglabas na ng listahan ng mga nanalo ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) para sa kanilang ika-16 PASADO Gawad Sining Sine.

The awarding ceremony ng academe-based group ay gaganapin sa April 5 sa Far Eastern University Auditorium. Ang PASADO ay binubuo ng mga guro at taga-akademiya na may layuning pagmumulat ng kaisipan at maitaas ang antas ng kamalayang pangkultura sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging pelikulang Pilipino.

Inihayag ng grupo ang kanilang napiling mga pinakapasado sa taong 2013 sa pamamagitan ng isang presscon na ginanap noong March 22 sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng PASADO sa pangunguna ng Chairman at Vice-Chairman ng Board of Trustees na sina Dr. Emmanuel Gonzales (FEU) at Prof. Arthur Pizaro (FEU), kasama ang iba pang officers na sina Prof. Clara San Pedro (La Consolacion College), Dr. Maria Elma Cordero (National Teachers College), at Prof. Percival Salise (FEU).

Pinakamaraming nakuhang parangal ang pelikulang On The Job ng Star Cinema at Reality Entertainment Production, na may siyam na awards kabilang na ang PinakaPasadong Pelikula, PinakaPasadong Direktor para kay Erik Matti, PinakaPasadong Aktor para kay Joel Torre, at PinakaPasadong Katuwang na Aktor para kay Gerald Anderson. Ang On The Job din ang nagwagi ng PinakaPasadong awards para sa Istorya, Dulang Pampelikula, Editing, Disenyong Pamproduksyon, at Tunog.

Narito ang kumpletong listahan ng mga pinakapasado sa taong 2013:

PinakaPasadong Pelikula – On The Job (Star Cinema/Reality Entertainment Production); Ang Kwento ni Mabuti (Cine Filipino/Cinelarga Production); Alagwa (Anakim Media Production/Star Cinema Production)

PinakaPasadong Direktor – Erik Matti (On The Job)

PinakaPasadong Aktres – Nora Aunor (Ang Kwento ni Mabuti); Bangs Garcia (Lauriana); Alice Dixson (When The Love Is Gone)

PinakaPasadong Aktor – Joel Torre (On The Job); Jericho Rosales (Alagwa); Allen Dizon (Lauriana)

PinakaPasadong Katuwang na Aktres – Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao (Four Sisters and A Wedding)

PinakaPasadong Katuwang na Aktor – Gerald Anderson (On The Job); Jake Cuenca (When The Love Is Gone)

PinakaPasadong Istorya – Mes De Guzman (Ang Kwento ni Mabuti); Erik Matti at Michiko Yamamoto (On The Job)

PinakaPasadong Sinematograpiya – Albert Banson (Ang Kwento ni Mabuti); Nap Jamir (Lauriana)

PinakaPasadong Dulang Pampelikula – Ian Lorenos (Alagwa); Erik Matti (On The Job); Ricky Lee (Lauriana)

PinakaPasadong Editing – Jay Halili (On The Job)

PinakaPasadong Disenyong Pamproduksyon – Richard Somes (On The Job)