James Reid says about his character in Talk Back and You’re Dead: “They will see me wearing leather jackets, riding on big motorbikes and engaging in fights."


Magandang balita para sa mga fans nila James Reid at Nadine Lustre na kung tawagin ay “JaDine” dahil may follow-up movie na ang dalawa pagkatapos ng box-office hit na Diary ng Panget: The Movie.

Muling magtatambal ang dalawa sa bagong romance-comedy-action sa ilalim ng Viva Films titled Talk Back and You’re Dead.

Sa naganap na story conference sa Viva Entertainment Office last May 20, muling nagharap sila James at Nadine bago nila simulan ang kanilang movie.

Based sa isang best-selling teen novel ang Talk Back and You’re Dead na sinulat ni Alesana Marie para sa Wattpadd at ni-release ito bilang isang paperback ng PSICOM Publishing last year.

Kuwento ito ng isang sosyal at perfect student na si Samantha (played by Nadine) na mai-in love sa isang guwapong gang leader na si Timothy Odelle Pendleton o mas kilala as TOP (played by James).

Isa itong Good Girl Meets Bad Boy love story.

Ayon sa writer ng novel ay sinulat niya ang Talk Back and You’re Dead dahil wala raw siyang mahanap na ganitong kuwento sa mga novels ngayon. Hindi naman daw niya in-expect na marami magkakagusto rito at ngayon ay isa na itong pelikula.

 

 

Kapwa masaya sina James at Nadine dahil bukod sa magtatambal ulit sila after ng successful team-up nila sa Diary ng Panget, ibang-iba naman ang roles nila sa bago bilang pelikula.
 
“Very different ang role ko rito as Sam kumpara kay Eya,” panimula ni Nadine.
 
“Si Eya kasi in Diary ng Panget, mahiyain, maraming insecurities at physically, hindi nga siya maganda. Dito sa Talk Back and You’re Dead, si Sam ay mayaman, maganda, perfect student, sosyal pero pipili siya ng guy who is out of her league.
 
“Kumbaga, yung ang magiging flaw niya sa almost perfect na pagkatao niya—yung ma-in love siya sa isang gang leader.”
 
Ayon naman kay James: “My role here as TOP is quite a big challenge again for me. Kung sa Diary ng Panget ay masungit at galit ako sa mundo, here in Talk Back and You’re Dead, mas bad boy siya.
 
“They will see me wearing leather jackets, riding on big motorbikes and engaging in fights. He’s also a rich kid who’s just super bad until he meets Sam who kinda changes his world in a different way.”
 
Kahit may ilang action scenes na involved sa bagong pelikula ng JaDine loveteam, pinangako ng dalawa na hindi mawawala ang kilig factor na siyang nagustuhan ng kanilang mga fans.
 
“Hindi po mawawala yung mga gano’ng eksena. Yun ang unang hiling ng mga fans sa amin,” diin pa ni Nadine.
 
Agree naman dito si James: “It’s still a romantic-comedy. There are a lot of kilig scenes. Hindi puwedeng mawala iyon sa amin ni Nadine. It’s all for our fans who really supported us.”
 
Kumita ng higit na P120 million sa box-office ang Diary ng Panget: The Movie. Dahil sa phenomenal success ng JaDine loveteam, kinuha ulit ng Viva Films si Andoy Ranay para idirek ang dalawa.
 
“It’s so nice to work again with both James and Nadine. Sobra kaming happy sa naging box-office result ng Diary ng Panget. Hindi namin ini-expect na gano’n ang turnout kaya hindi kataka-takang mabigyan sila ng bagong movie.

“And I am happy na ako ulit ang pinagkatiwalaan ng Viva Films para sa JaDine loveteam.

“For this new project, we will still use the same formula—the right amount of kilig formula na nagustuhan ng mga fans nila.

“We promise them a different kind of love story but they can be assured that muling magsa-shine dito sina Nadine at James,” ani Direk Andoy.

Bago simulan ang shooting ng Talk Back and You’re Dead, tatapusin muna nila James at Nadine ang kanilang commitments dahil walang patid ang imbitasyon sa kanilang dalawa para sa iba’t ibang events.

Sabay din silang nagpo-promote ng kanilang individual singles na mula sa original motion picture soundtrack ng Diary ng Panget.

Nagpapasalamat sina James at Nadine dahil nabigyan ng panibagong buhay ang showbiz career nila dahil sa success ng kanilang unang tambalan.

“It’s been a roller-coaster ride for me from the start. I wasn’t sure of what I want to do. Now I have this good direction and I’m enjoying every minute of it,” paliwanag ni James.

Ayon naman kay Nadine: “Maraming nabago talaga. I’m given a new life in my career at gusto kong tumagal pa ito.”