guide

Gawad Pasado winners unveiled
by Alex Datu posted on May 13, 2009  STATS: 10764 Views | 25 Comments
Judy Ann Santos (left) and Sharon Cuneta (right) both earned the title of Pinakapasadong Aktres for 2008 according to Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan Ng Mga Dalubguro). Photo By: Noel Orsal


Inilahad na ng PASADO, ang Pampelikulang Samahan Ng Mga Dalubguro sa pampubliko at pampribadong paaralan sa antas ng elementarya, sekundarya at tersyara, ang kanilang taunang pagbibigay parangal sa mga artistang pasado sa kanilang panlasa base sa iba't ibang panukatan ng mga kategoriya.
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Pelikula ay ang Baler (Viva Films), Caregiver (Star Cinema) at Ploning (Panoramanila Pictures).  Ang mga nominado ay Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Cutting Edge Productions) Jay (Pasion Para Pelicula Productions), at Serbis (Center Stage Productions).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Direktor ay si Dante Nico Garcia para sa pelikulang Ploning ng Panoramanila Pictures.  Ang mga nominado ay sina Chito Rono (Caregiver), Dante Brillante Mendoza (Serbis), Mark Meily (Baler) at Francis Xavier Pasion (Jay).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Aktor ay si Jericho Rosales sa pelikulang Baler ng Viva Films.  Ang mga nominado ay sina Baron Geisler (Jay), John Lloyd Cruz (A Very Special Love), Christopher de Leon (Magkaibigan) at John Estrada (Caregiver).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Aktres ay sina Sharon Cuneta (Caregiver) and Judy Ann Santos (Ploning).  Nominado sina Anne Curtis (Baler), Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Ninyong Lahat) at  Gina Pareno (Serbis).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Katuwang na Aktor ay si Coco Martin para sa pelikulang Jay ng Pasion Para Pelicula Productions.  Muling nanomina si Coco sa pelikulang Serbis at ang ibang nominado ay sina Phillip Salvador (Baler), Jinggoy Estrada (Magkaibigan) at Yul Servo (Torotot).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Katuwang na Aktres ay si Eugene Domingo para sa pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema.  Ang mga nominado ay sina Boots Anson Roa (Love Birds), Irma  Adlawan (A Very Special Love), Ces Quesada (Ploning) at Mylene Dizon (Ploning).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Dulang Pampelikula ay Ploning (Dante Nico Garcia at Benjamin Lingan).  Ang mga nominado ay Jay (Francis Xavier Cruz), Serbis (Dante Brillante Mendoza), Baler (Roy Iglesias) at Caregiver (Chris Martinez).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Sinematograpiya ay ang  pelikulang Ploning (Charlie Peralta, Panoramanila Pictures).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Lee Meily, Viva Films), For The First Time (Eli Barce, Star Cinema), Caregiver (Eli Barce, Star Cinema) at A Very Special Love (Manuel Teehankee, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Editing ay ang Baler (Danny Anonuevo, Viva Films). Nominado ang mga pelikulang Ploning (Danny Anonuevo, Panoramanila Pictures), Caregiver (Manet Dayrit, Star Cinema),  Matakot Ka sa Kulam (Ria de Guzman, Renewin Alano at Angelo Pestano, Regal Films) at A Very Special Love (Marya Ignacio, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Istorya ay ang Caregiver (Chris Martinez, Chito Rono at Jewel Castro, Star Cinema).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Roy Iglesias, Viva Films), Ploning (Dante Nico Garcia, Panoramanila Pictures), Jay (Francis Xavier Cruz) at Serbis (Dante Mendoza, Center Stage Productions).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Musika ay ang pelikulang Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Jessie Lasatin, Cutting Edge Productions).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Vincent de Jesus, Viva Films), Ploning (Jessie Lasaten, Panoramanila Pictures), Urduja (Mon Faustino) at Caregiver (Carmina Robles-Cuya, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Tunog ay ang pelikulang Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Albert Michael Idioma, Cutting Edge Productions).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Ditoy Aguila, Viva Films), Caregiver (Albert Michael Idioma, Star Cinema), Ploning (Albert Michael Idioma, Panoramanila Pictures) at Mag-ingat Ka sa Kulam (Bebet Casas, Regal Films).
 
Ang mga Natatanging Gawad Pasado '09 ay ipinagkaloob kay Ces Quesada bilang Pasadong Guro.  Pinakalooban sina Luis Manzano at KC Concepcion ng Pasadong Kabataan at para sa Pasadong Pelikula Sa Lahat Ng Panahon ay ipinagkaloob ito sa pelikulang Himala ng Experimental Cinema of the Philippines.  Kasama sa ginawaran ay si Nora Aunor bilang Pasadong Aktres ng nasabing pelikula at ginawaran din si Ricky Lee bilang Pasadong Manunulat.
 
Ang Pasado Lifetime Achievement Award kay Ms Mel Tiangco para sa GMA-Kapuso Foundation at ginawaran din si German Moreno sa larangan ng Entertainment.  Nakamit naman ni Boy Abunda ang parangal na Pasado-Dangal ng Akademiya.
                                                                  
Gaganapin ang bigayan ng parangal sa darating na Sabado, ika-16 ng Mayo, 2009 sa Manila Grand Opera Hotel.  May gaganaping isang mini-concert para sa mga istudyante mula sa iba't ibang mga unibersidad sa bandang  4:00 ng hapon, sa bandang alas-singko ay magkakaroon ng hapunan at bandang alas-otso ng gabi ay sisimulan ang pagbibigay parangal.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  lalapearl

    05/20/2009 | 02:39 AM
    custard...

    forgive me kung anong ang comments mo..i think i was mad at you..kalo ko nag reklamo ka kay KC sa pasado award niya...sorry tlaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  lalapearl

    05/20/2009 | 02:27 AM
    mas narrow minded ka...ingit ka lang! Gusto mo buhusan kita ng ICE para lumamig ang isip mo...bitterness lang yan inday. Sorry, hindi deserving maging PASADO NG KABATAAN ang Idolets mo...maybe next time bigyan siya ng parangal.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  custard

    05/19/2009 | 04:57 PM
    lalapearl, cool ka lang! gusto mo ng pearl cooler? mahirap magpaliwanag sa mga narrow-minded at isang artista lang ang kilala...hahaha!! kung bakit ang linaw naman ng category di ba, Pasadong Kabataan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  mistiqa

    05/19/2009 | 01:16 PM
    ang panalo talaga dapat ay si Mylene Dizon 100, Gloria Romero Fuschia and Anita Linda Adela

    silang tatlo ang nagbigay ng di matatawarang performance at hinde yung mga hyped na artista lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  onlydatruth

    05/19/2009 | 12:52 AM
    KC tunay na pasadong kabataan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  thehunks100

    05/16/2009 | 06:36 PM
    Congrats to Ms. Nora Aunor for being the Pasadong Aktres sa Habang Panahon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  rational

    05/15/2009 | 07:29 PM
    congrats kay mega,juday, amp; kc! deserving talaga kayong manalo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  weetzi

    05/15/2009 | 01:28 PM
    how fitting ang winners ng best actress, parehong maingay ang mga names. is it just a coincidence or what? from what i've gathered si gina pareno ang sure winner sa lahat ng award giving bodies this year. siguro kailangan din magingay ni manay gina!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  dayangdayang

    05/15/2009 | 03:38 AM
    wow, nawala lang ako sandali sa pinas, ang dami ng nagsulputang award giving bodies...ang alam ko lang noon ay urian at guilermo...pakilista nga ninyo kung ano-ano pa aside from those??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  lalapearl

    05/15/2009 | 03:05 AM
    annelynsam...halatang halatang Bitterness sa puso mo si KC...Hindi ito base sa movie niya...kundi hinhangan siya sa kanyang ginawa SA LAHAT NG KABATAAN NA ARTISTA SIYA ANG NABILI. BULOK MO!!!

    GALIT KA DAHIL ANG IDOL MO HINDI NABIGYAN NG PASADO SA KABATAAN...alam muna kung ano ang ibig sabihin yan?...ang idol mo ang hindi magandang halimbawa sa kabataan...PERIOD! KAYA tumigil ka saka OA mo at bitterness mo sa mag INa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  chicks

    05/14/2009 | 08:00 PM
    Si Juday at Eugen D. lang ang pasado sa akin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  cyber_explorer07

    05/14/2009 | 07:29 PM
    kung ano ano na lang ang mga award giving body satin parang kabute kung magsulputan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  team_kapamz_ako

    05/14/2009 | 03:46 PM
    congrats..

    basta c mega..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  junebride

    05/14/2009 | 03:30 PM
    syempre kung asan ang Ina meron ang anak, syempre kasama pati best fren...ahahahaha...si Juday mukhan gbusog na busog sa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  liwayway

    05/14/2009 | 12:49 PM
    huh?! ang nanalo, three movies out of 6. in other words, 50 of the nominees won. such good odds.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  annelynsam

    05/14/2009 | 12:45 PM
    magaling ang kapamilya eh..

    oi nanalo si KC?? waaaaaauh sabagay nanalo kasi si mega plastic eh kaya isama nlng si KC plastic din ahahhaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • icare23

    05/14/2009 | 10:04 AM
    asan mga starlet ng gma?haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • abs4everfan

    05/14/2009 | 08:34 AM
    Meron naman para sa gme, sina Mel Tiangco at Kuya Germs...pero yng mga ipinagmamalaki nilang mga STARLETS nila ayun, wala man lng nsambit n NAME.

    by the way congrats to all the winners!

    panalong-panalo tayo mga KaPaMiLyA!!!hindi lng sa mga Students kundi pati na rin sa mga Teachers, Thank you po sa SuPpOrT...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusol

    05/14/2009 | 07:39 AM
    congrats sa lahat ng kapamilya stars na nanalo...wala yatang kapusong artista na nominate man lang....why????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cutejosh

    05/14/2009 | 03:25 AM
    Nasan na ba ang mga Kapuso stars bakit walang awards...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About