(From upper left, clockwise) Senator Bong Revilla Jr., Coco Martin, Bea Alonzo and Ai-Ai delas Alas were among those who personally received their trophies during the 42nd Box-Office Entertainment awards night held recently. Photo: Allan Sancon

Naging star-studded ang ika-42nd Grand Annual Awards and Coronation Night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) kamakailan.

Noong May 10, pinarangalan ang mga nanalo sa event na ginanap sa RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City. Ang nagsilbing hosts para sa gabing iyon ay sina John Estrada at Precious Lara Quigaman.

Kapansin-pansin ang mala-reynang kasuotan ni Ai-Ai delas Alas at mayroon pa siyang maliit na korona sa ulo. Kulay gold at nangingintab na tube gown naman ang suot niya nang gabing iyon. Bagamat di na uso ang pagpuputong ng korona sa nanalong Box Office King and Queen tulad ng mga naunang parangal, feel na feel pa rin Ai-Ai ang kanyang pagiging reyna dahil sa kanyang kasuotang ginawa ni Maxi Cinco. Matapos niyang banggitin lahat ng mga dapat niyang pasalamatan sa kanyang speech, di niya nakalimutang ialay ang kanyang award para sa mga anak niya na naging inspirasyon niya sa lahat ng mga proyektong ginagawa niya.

Bagamat di nakarating si Bossing Vic Sotto para tanggapin ang kanyang award bilang Box Office King para sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, nandun naman ang kapartner niyang si Sen. Bong Revilla kasama ang kanyang maybahay na si Lani Mercado at anak nilang si Bryan Revilla. Nagpasalamat si Sen. Bong sa GMMSFI sa pagbibigay sa kanya ng ikatlong Box Office King Award.


Sa kanyang speech ay kinumpara ni Sen. Bong ang trophy niyang natanggap dati ay halos kasing laki na niya samatalang mas maliit ang binigay na trophy ngayon. Inialay naman ni Sen. Bong ang kanyang award sa kanyang nag-iisang maybahay na si Lani Mercado.


Nang tinanggap ni Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang "Most Outstanding Government Service" award mula sa Guillermo, biniro niya ang kanyang best friend: "Salamat sa aking best friend na si Sen. Bong kasama ang kanyang nag-iisang misis na si Lani, yun ang pagkakaalam ko ha na nag-iisa lang talaga? (sabay tawa).

Hindi rin nakadalo sa naturang awards night si Toni Gonzaga para tanggapin ang Princess of Philippine Movies & TV award.

Nandun naman si Coco Martin para tanggapin ang kanyang award bilang Prince of Philippine Movies & TV.

Tinanggap din ni Bea Alonzo ang kanyang award bilang Film Actress of the Year sa kanyang magaling na pagganap sa pelikulang Miss You Like Crazy at Sa 'Yo Lamang.

"Pagpapatunay lang ang award na ito na di kami nakatsamba lang sa aming pelikulang Here Comes the Bride abangan n'yo ang Part 2 nito," 'Yan naman ang pahayag nina John "Sweet" Lapus at Angelica Panganiban nang tanggapin nila ang kanilang award bilang Comedy Actor and Actress of the Year.

Nakatawag pansin ang muling pagsasama ng loveteam nina Gerald Anderson at Kim Chiu nang sabay nilang tanggapin ang kanilang award bilang Most Popular Loveteam of Movies & TV. Sabi nga ng dalawa: "Salamat sa GMMSF Inc, sa ikaapat na pagkakataon ay pinarangalan n'yo pa rin kami bilang Most Popular Loveteam. Pang apat na namin ito. Salamat sa Kimerald na patuloy na sumusuporta sa amin kahit di na kami magkasama sa pelikula at telebisyon."

Nagpaunlak ng kanta bilang intermission number ang tinanghal na Most Promising Male Star of the Year na si Matteo Guidicelli.

Sumayaw sina Sam Concepcion at Rodjun Cruz kasama ang Showtime first season grand champion na XB Gensan. Di nagpatalo sa pagkanta at pagsayaw ang tinanghal na Promising Group Recording/Performing Artist of the Year...ang XLR8.

Narito ang listahan ng mga pinarangalan ng GMMSFI sa ika-42nd Box-Office Entertainment Awards:

Box Office Kings - Sen. Bong Revilla, Jr and Vic Sotto (Si Agimat at Si Enteng Kabisote)

Box Office Queen - Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina: Last Na 'To)

Prince of Philippine Movies & TV - Coco Martin (Noy, Sa 'Yo Lamang, Kung Tayo'y Magkakalayo)

Princess of Philippine Movies & TV - Toni Gonzaga (My Amnesia Girl)

Film Best Actor of the Year- John Lloyd Cruz (My Amnesia Girl & Miss You Like Crazy)

Film Best Actress of the Year- Bea Alonzo (Miss You Like Crazy & Sa Yo Lamang)

Promising Male Star of the Year- Matteo Guidicelli (Agua Bendita)

Promising Female Star of the Year-Andi Eigenmann (Agua Bendita)

Male Concert Performer of the Year- Ogie Alcasid

Female Concert Performer of the Year- Charice Pempengco

Male Recording Artist of the Year- Christian Bautista

Female Recording Artist of the Year-Sarah Geronimo

Group Recording/Performer of the Year- Parokya ni Edgar

Promising Recording/Performer Artist of the Year-Jovit Baldivino

Promising Group Recording/Performing Artist of the Year- XLR8

Popular Novelty Singers of the Year-Chris Tiuper & Nicole Hyala

Most Popular Loveteam of Movies and TV- Gerald Anderson & Kim Chiu

Promising Loveteam of the Year-Elmo Magalona/Jullie Ann San Jose

Child Performer of the Year-Jillian Ward

Film Producer of the Year- Star Cinema

Most Popular Screen Writer of the Year-Chris Martinez

Film Directors of the Year-Wenn Deramas & Tony Y. Reyes

Popular TV Program of the Year (DRAMA)- Kung Tayo'y Magkakalayo

Popular TV Program of the Year (TALENT SEARCH)- Talentadong Pinoy

Popular TV Program of the Year (NEWS PROGRAM)- 24 Oras

Popular TV Directors of the Year-Rich Ilustre (Talentadong Pinoy)

                                                           -Erick Salud (Kung Tayo'y Magkakalayo)

                                                            -Trina Dayrit (Kung Tayo'y Magkakalayo)

                                                            -Dondon Santos (Kung Tayo'y Magkakalayo)

Bert Marcelo Award - Vice Ganda

Comedy Actor of the Year - John "Sweet" Lapus (Here Comes the Bride)

Comedy Actress of the Year - Angelica Panganiban (Here Comes the Bride)

Most Outstanding Government Service Award - Sen. Jinggoy Estrada

Public Service - Commissioner Dely P. San Juan