Direk Yam Lanaras (inset) said Alden Richards (main photo) was good in portraying a psychotic character in The Road. This psycho-thriller film will be screened in theaters starting November 30, 2011. Photo: Noel Orsal

Matapos maipalabas ang Tween Academy: Class of 2012, sasabak sa isang psycho-thriller film ang ilang tween stars sa pelikulang The Road.

Ang ilan sa mga tweens na kasama sa nasabing pelikula ay sina Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, Alden Richards, at Derek Monasterio.

Sa bagong challenging role na ito, kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press ang naging performance ng mga tweens stars na ito.

Nakapanayam ng PEP.ph ang direktor ng pelikula na si Yam Laranas kanina, Nobyembre 2, sa naganap na pocket interview niya sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Sinabi niya na matapos mapanood ng mga tao ang kanyang pelikula'y mapapansin talaga ang galing ng mga young celebrities na ito.

Aniya, "I think, what we want to see, to show here is that after doing tweens, I think these kids have good acting skills.

"Mag-iiba 'yong tingin mo sa kanila, you'll see them as artista."

Paliwanag niya, "I think sa acting na 'to, they're very committed, e, they're very committed sa acting nila, e.

"Bale kasi, 'pag may ginagawa kang shot bilang direktor gusto mong makitang pino-portray 'yong character, hindi ako mabusisi sa acting, kaya nga nando'n 'yong artista kasi alam namin magaling.

"So, hindi ko na masyado tatrabahuhin 'yong, 'galingan mo mag-acting, ha?' Hindi naman ako artista, e, kumbaga trabaho nila 'yon, at alam kong magaling sila.

"Kaya madali kaming natatapos, mabilis kong nakukuha 'yong gusto ko, mabilis mapa-acting.

"I think because may commitment sa role, may commitment sa acting, hindi basta acting, dedicated sila sa work."

THE "PERFECT" CAST. Hindi naging madali ang pagpili nina Direk Yam, at kasama niyang sumulat ng kuwento na si Alloy Adlawan, sa mga cast members sa isasama sa pelikula.

Gayunman, nang makita niya ang main cast na sina TJ Trinidad, Alden Richards, at Renz Valerio, ay talagang napabilib daw siya ng tatlo.