[x]
Director Yam Laranas (in photo) on making horror movies: "Parang ayaw mo nang gawin 'yong mga nagawa na, e, parang kasi nga the masa is so smart, gusto nilang matakot, gusto nilang matuwa." Photo: Noel Orsal

Matapos iderehe ang Sigaw (2004), Echo (2008), at Patient X (2009), isang bagong psycho-thriller film ang ginawa ng direktor na si Yam Laranas, ang The Road.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Direk Yam kahapon, Nobyembre 2, sa ginanap na pocket interview nito sa 17th floor, Executive Lounge ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Ikinuwento niya sa amin kung ano ba ang synopsis ng pelikulang The Road.

"I think 'yong kuwento has a lot of surprises," pahayag niya.

"You wouldn't think it's actually the story, alam mo 'yon, at the end of the movie you will still be shocked [to know] what happened.

"When three things disappeared on the road, mayro'n case na na-discover, twelve-year-old [unsolved] case, na iimbistegahan nila bakit nawawala 'yong teens, then they'll discover na haunted pala 'yong road.

"Then when they found out its haunted, they investigated further and mayro'n palang crime na nangyari almost thirty years ago sa road na 'yon."

HIS INSPIRATIONS. Ang pelikulang ito daw ay inspired mula sa mga paboritong pelikula ni direk Yam, tulad ng The Shining (1980) at Psycho (1960).

Hanggat maaari ay hindi nila minadali ang paggawa sa pelikulang ito. Kaya naman ng sabihin ni GMA Network's Vice President for Program Management Joey Abacan na October 20 ang showing ng pelikula ay agad niyang kinausap ito.

Kuwento niya, "Original nga October 20 ang palabas nito, e, pero ang sabi ko kala Joey [Abacan] hindi ko kaya, kailangan ko ng at least 8 weeks for the whole production.

"Kahit magkasabay, simultaneous, 'yong editing ko 4 weeks 'yong editing, tapos to score it another 4 weeks.

"So, kahit isabay mo 'yon you'll need a lot of time, hindi naman siya special effects driven pero you have a lot of [preparations].

"Tulad ng The Road na 'yon, kahit papaano may bahay-bahay doon, e, binubura namin 'yon.

"No'ng sinabi nilang November 30 ay perfect, eksakto 'yan!"

PARTLY INSPIRED BY RAPE-MURDER CASE. Ang kuwento ng The Road ay "indirectly inspired" mula sa iba't ibang real life stories: kuwento ng mga iresponsableng mga bata, pagbabale-wala ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang kidnapping incident ng Chiong Sisters.