Erich Gonzales says she will begin shooting her movie with Thai actor Mario Maurer by April or May 2012. Titled Suddenly It's Magic, the movie will be directed by Rory Quintos. Photo: Allan Sancon (Erich)

Naging matagumpay ang Maria la del Barrio na pinagbibidahan nina Enchong Dee at Erich Gonzales kaya magkakaroon ito ng Book 2. Sa press conference ng nasabing teleserye na ginanap sa White House, Patio Carlito Restaurant ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapayam si Erich tungkol sa gagawin niyang pelikula kasama ang sikat na Thai actor na si Mario Maurer. Ang Star Cinema movie na ito ay pinamagatang Suddenly It's Magic.

Tungkol saan ba ang pelikula ninyo ni Mario Maurer, ang Suddenly It's Magic?

"It's about two people, suffering from their past relationships. [They] fall in love na hindi nila ine-expect at yung love na yun ang magiging hadlang sa pangarap nila. Parang nagiging hindrance yung love na yun to pursue their dreams. Parang anong pipiliin mo: yung pangarap mo or yung taong mahal mo."

Ano ang initial reaction mo nung nalaman mo na ikaw yung makakapareha ni Mario sa paggawa nya ng pelikula rito sa Pilipinas?

"Masaya ako dahil napakalaking project nito, it's a big blessing for me, masaya at excited po ako."

Na meet mo na ba personally si Mario?  At ano yung mga pinagusapan nyo?

"Yes po! Napa napag-usapan po naming yung istorya nung aming movie, kasama namin si Direk Rory Quintos na siyang magdidirek ng movie namin ni Mario.

Nasabi niya [Mario] rin sa akin na mahilig siya sa wakeboarding, hiphop, ganyan. Mga cars, natutuwa siya sa mga sasakyang nakikita niya rito sa Pilipinas. Parang getting to know each other na rin para pag nag start na yung shooting namin, hindi na kami naiilang sa isa't isa. Para pag may pinagawa sa aming eksena, magagawa namin iyon nang walang ilangan."

How would you describe Mario nung na meet mo siya personally?

"He's a very nice guy!"

Kailan daw magsimula yung shooting n'yo ni Mario?

" Most probably April or May of next year daw po magsimula yung shooting namin."

Anong masasabi mo sa mga intriga na nagtatanong kung bakit ikaw ang napili para makapareha ni Mario?

"Basta po ako, yung mga intrigang ganyan di na rin ako nagpapaapekto, kasi alam ko na part yan nang pinasok ko. Basta nagfo focus lang po ako sa mga blessings na dumarating sa akin at wala akong sama ng loob kahit kanino, dapat masaya lang.

Paano ang preparation mo sa ganito kalaking project with Mario?

"Next year, may mga lessons akong pag-aaralan, isa sa mga lessons siguro yung Thai language,  magsu shoot kami rito sa Philippines saka sa Thailand."

Erich, may pressure ba sayo na gagawa ka ng ganito kalaking projects na kasama mo si Mario?

"Lagi namang may pressure sa kahit na anong projects na ginagawa ko basta alam mo lang harapin yun. Ang importante gawin mo lang yung trabaho mo nang maayos."

Paano mo ino overcome yung mga pressure na yun?

"Ako po, basta pinag-aaralan ko lang yung story then yung character na gagampanan mo, pagbutihan mo dapat."