Aljur Abrenica's character in My Kontrabida Girl is named Chris Bernal. Also starring Rhian Ramos, this romantic comedy will open in cinemas starting March 14.

Isang "tipikal" na binata raw ang gagampanan ni Aljur Abrenica sa upcoming movie niyang My Kontrabida Girl, kung saan makakatambal niya si Rhian Ramos.

Sunod-sunod kasi na fantaserye ang proyekto ni Aljur sa Kapuso network—ang The Last Prince (2010), Ilumina (2010), Machete (2011), at Amaya (2011).

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kahapon, Pebrero 22, sa pocket interview na ginanap sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Dito'y sinabi niya sa amin ang kaibahan ng kanyang karakter sa My Kontrabida Girl mula sa ibang karakter na ginampanan niya noon.

"No'ng nakaraan kasi 'yong mga characters ko dapat macho, dapat sexy, fantasy, [parang] Last Prince, Machete.

"Ito kasi ano, e, tao ako dito, e, 'yong sa tipikal makikita mo 'yong ganitong klaseng tao, hardinero lalo na sa probinsiya, hardinero ako dito.

"The fact na kakaiba 'yong character na ito, sobrang bait, walang kaanga-angas.

"Hindi namang malayong-malayo, kumbaga malayong-malayo sa mga ginawa ko previously."

HIS ROLE. Samantala, sunod namang binanggit ni Aljur kung ano ang magiging role niya sa My Kontrabida Girl.

"A, bale ang pangalan ng character ko dito is si Chris Bernal," nangingiting pagsisimula ni Aljur.

Ang pangalan kasi ng kanyang karakter ay katulad ng sa dati niyang ka-love team partner na si Kris Bernal, naiba lamang ang spelling nito.

"Si Chris Bernal ay simpleng tao na may simpleng pangarap, na lumaki sa probinsya.

"Dapat siya 'yong nag-aalaga ng, mayro'n kasi silang resort. Siya dapat mag-aalaga no'n, pero nang mamatay mga magulang niya masyado pa siyang bata [kaya] ang humawak no'n mga tiyahin niya.

"So medyo kawawa rin siya, 'yong family niya dito.

"Pero sobrang striving siya 'tsaka 'yong problema sa kanya sobrang bait, sobrang bait niya na tipong hindi siya marunong tumanggi na mas gugustuhin niya pang siya 'yong masktan kaysa sa ibang tao."