Pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Bea Binene ang bagong family drama teleserye na handog ng GMA para sa mga loyal viewers nito tuwing hapon.
Simula sa Lunes, March 7, magsisimula na ang Hanggang Makita Kang Muli na pinagbibidahan ng love team na DerBea.
Sisentro ang istorya nito sa isang feral child, na nawalay sa kanyang totoong mga magulang sa loob ng maraming taon at nanirahan kasama lamang ang isang aso sa isang kulungan sa silong ng isang bahay.
Kaya naman, sa paglaki ng bata, naging asal aso na rin ito—mula sa kilos at pananalita.
Papalitan ng Hanggang Makita Kang Muli ang Buena Familia na nagtapos nitong Biyernes, March 4.
















