Masaya si Edgar Allan Guzman (in photo) na gumanap na kontrabida sa upcoming drama series ng TV5 na Never Say Goodye. Bukod pa roon, magiging kontrabida rin siya sa buhay ni Nora Aunor, “Ang sarap naman sa feeling na iba-iba naman ‘yong role namin ni Nanay [Nora],” wika niya.

Photo: Noel Orsal

Kasama si Edgar Allan Guzman sa upcoming drama series ng TV5 na Never Say Goodbye.

Dito’y muli niyang makakasama si Superstar Nora Aunor, at ang dalawang Artista Academy grand winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Edgar sa Christmas party ng Enchanted Garden noong Disyembre 19.

Ayon sa aktor, anak-mayaman siya sa Never Say Goodbye at magiging ka-love triangle raw siya nina Vin at Sophie.

Pero sa likod ng camera, si Edgar daw ang tumatayong “kuya” ng dalawang baguhang artista.

EDGAR AS KONTRABIDA. Itinuturing ni Edgar na “big break” sa kanyang career na mabigyan ng kontrabida role.

“Ako naman, nakikita ko naman siya na challenging para sa akin, e, kasi kontrabida,” sabi ng 23-year-old na aktor nang makausap siya ng PEP sa isang warehouse sa Cainta, Rizal.

“Ito parang big break din para sa akin, e, kumbaga sa ibang show ko mabait ako, dito may pagka-mayabang.

“So kumbaga natsa-challenge ako, kailangan gusto ko may makita ‘yong tao… may something new para sa akin.”

NANAY NORA. Unang nagkasama sina Edgar at Nora sa primetime drama series ng TV5 na Sa Ngalan ng Ina.

Dito’y gumanap siya bilang isa sa mga anak ng karakter ni Nora na si Elena.

Sa bago nilang serye na Never Say Goodbye, gaganap si Edgar bilang kaaway ng anak ni Nora na si Vin.

Naikuwento sa amin ni Edgar ang unang eksenang nagawa nila ng Superstar.