In Indio, Sarah Lahbati (left) is seen as Ynaguiginid, Diwata ng Digmaan. Indio headwriter Suzette Doctolero (right) says two historians were tapped to ensure the accuracy of the script.

Photo: Noel Orsal (Suzette)

Si Suzette Doctolero ang head writer ng bagong epic-serye ng GMA-7 na Indio.

 

Siya rin ang naging head writer ng dalawa pang malaki at matagumpay na primetime series ng Kapuso network noon—ang Encantadia at Amaya.

Sa Amaya, naging mahaba at matagal ang ginawang research bago ito nasimulang gawin.

Impressive ang Indio pagdating sa special effects at sa kuwento naman, tila puwedeng isipin na nagsimula ang kuwento nito kunsaan, nagtapos naman ang kuwento noon ng Amaya dahil sa pagpasok na ng mga Espanyol.

Ayon naman kay Suzette, mas mahaba pa rin daw talaga ang naging research sa Amaya noon.

“Hindi kasing tagal ng Amaya.  Yung Amaya, one year, eh.  Kasi, yung sa Amaya, mas walang available na reading materials dahil nasunog yun.  Yung Indio kasi, Spanish colonization, so, ang daming reading materials.”

Nagsimula raw halos sa 1568 ang kuwento ng Indio hanggang 1600.

“Siguro ang facts dito, nasa 30-40%.  The rest, fiction.  Pero, fiction na ang pinanggalingan ay ang Philippine mythology natin.  Yung Philippine epic. Pinag-incorporate ko ang history at literature.”

Sa pilot pa lamang ng Indio, nangibabaw na ang kuwento ng iba’t-ibang Diwata.  Sina Rhian Ramos at Sarah Lahbati ay mga diwata. 

Si Rhian ang gaganap bilang Magayon, ang Diwata ng mga lumilipad na Hayop at magiging tagapag-protekta ni Indio (Bong Revilla). Si Sarah naman ay si Ynaguiginid, ang Diwata ng Digmaan.  Ina ni Indio.

Ang kuwento ng mga Diwata sa Indio, ayon kay Suzette ay galing naman daw sa Philippine mythology.

Masasabing may katotohanan ang kuwento ng mga Diwata?

“Yeah, pinaniniwalaan natin.  Nang mga ninuno natin noon.”

Bilang si Suzette na rin ang nagsisilbing head writer ng ilang epic serye na ng Kapuso network, naitanong namin sa kanya kung hindi ba maaring makagawa ng isang epic serye katulad halimbawa sa mga epic serye ng Korea na walang kasamang pantasya  kung hindi purong historical lamang?