Photo: Noel Orsal

Naging kapansin-pansin sa January 28 press conference ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles sa Dolphy Theater ang pagiging tan ng host ng show na si Iza Calzado na bumagay naman sa kanya.
 
Nahihilig pala sa swimming si Iza ngayon bukod pa sa nanggaling din daw siya sa bakasyon.
 
“Umitim talaga ko kasi over the holidays, nagpunta ko ng Thailand. Noong weekend kasi, I was also under the sun, sa may swimming pool.”
 
 
Ikalawang season na ng The Biggest Loser Pinoy Edition na magsisimulang mapanood sa Lunes, February 3, sa primetime block ng ABS-CBN pagkatapos ng The Legal Wife. Para sa bagong edition, magpapakila ng 14 pairs na maglalaban sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.
 
Ano ang makikitang kaibahan nito ngayon sa unang season?
 
“Well, hindi naman kasi ako part ng unang season. This is really, siguro, as a host, I have a more personal attack kasi, onstage, I’m not answering, I’m not presenting beauty contestants.
 
“Usually kasi, I’m hosting beauty pageants or corporate events. Dati naman, nag-host na ko ng lifestyle with Ate Lucy [Torres-Gomez], pero, iba ang pagka-casual non, e.
 
“Dito kasi, bilang host ng The Biggest Loser, you should have a sense of authority.
 
“Alam mo minsan, may mga moment, makulit kasi ako in real-life. Minsan, pipigilan ko. Kailangan akong kausapin ng director na you have to set the tone.  You have to be serious.
 
“Minsan nga, along the way, alam ko, we’re doing weighing in three hours, alam ko, sometimes, nagiging makulit pa rin ako.
 
“But it’s really, you have to have sense of authority. Kaya minsan hindi ko alam kung ipapalabas nila, minsan, parang naghahagikhikan sila, kailangan mong sabihin na hindi kayo puwedeng ganyan.”
 
Sa aspeto ng pagpapayat, ano ang nakikita niyang pinaka-mahirap na challenge?
 
“Alam niyo, any big person who lost weight or any person who has weight struggle, the biggest thing is food.
 
“It’s the hardest to resist, the diet is the hardest to—yung panindigan. kasi, madali siyang gawin, two weeks, one month but to make it a lifestyle, it’s so harder.
 
“Even me, now that I stand here in front of you and people say that I’m healthy and fit, I think, I’m nowhere near the healthiest of I want to be at.
 
“Sometimes I still cheat with my diet, yung ganyan.”
 
 
Aminado naman si Iza na nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ng mga contestants ng TBL.
 
Dumating din si Iza sa puntong naging obese siya lalo na noong bata siya hanggang sa maging teenager siya.
 
Umabot sa mahigit 200 pounds din ang timbang niya na kuwento nga ni Iza, may pagkakataon na natutukso siyang “baboy,” o kaya naman para makuha ang atensiyon niya na magpapayat, naihalintulad na rin daw siya ng magulang sa aparador.
 
Ayon kay Iza, “Maraming parte sa show na ito na maibabahagi ko ang aking pinagdadaanan.
 
“Minsan nga, kapag maiiyak ako, kailangan kong pigilan kasi, baka mamaya sabihin nila, palagi na lang akong umiiyak.
 
“Kasi siyempre, nakaka-relate ka.
 
“Minsan nga, hindi lang dahil sa pagiging mabigat. Minsan personal. Maybe a father thing, a family thing, naiintindihan mo lang and you emphatize with them.
 
“Pero, ako naman kasi, hindi naman ako natira sa camp. Isang bagay na hinahangaan ko sa kanila.
 
“Wow, dire-diretso talaga.”
 
 
Bilang host ng TBL, sa palagay raw ni Iza, ang mga coaches at ang nutritionist na si Nadine Tengco ang talagang nakakasama ng mga contestants at talagang makakapag-motivate sa mga ito.
 
“Ako siguro, magsisilbi na lamang inspirasyon sa kanila. Every time I see them, I try to motivate them, hopefully off-cam.
 
“Kasi, sa spiels ko, hindi naman ako nandon para—minsan, sasabihin ko sa kanila na pag-igihan nila, ganyan.
 
“But mostly kasi, when I go there, I do the weigh-in, sometimes I share my story and siguro, kapag nagkukuwentuhan, merong ganyan, e.
 
“On and off-cam.”
 
 
Bilang host, nagkakaroon din ba siya ng personal favorite sa mga contestants o naiiwasan niya ang bagay na yun?
 
“Meron kang mga—depende nga minsan sa linggo. May time na parang natutuwa ka sa taong ito.
 
“Pero, meron talagang time na kinatutuwaan mo kasi, puno siya ng wisdom. Maiintindihan niyo po ‘to kapag napanood niyo.
 
“Meron din namang matutuwa ka kasi, nakikita mo ang determinasyon. Yung talagang gusto niyang manalo. Gusto niyang mapatunayan sa sarili niya at pamilya niya na worthy siya to be called a loser.
 
“Iba-iba, e.
 
“May dalawa riyan na mga magulang celebrity. Siyempre malapit sa istorya ng buhay ko.
 
“Pareho silang babae, parehong both side nila may celebrity connection. Tapos medyo yung weight ko kasi noong malaki ako, ganoon din ang weight ng isa. So, meron kang, I know what kind of understanding you’re coming from.
 
“Pero siyempre, you have to be fair.”
 
Ang tinutukoy ni Iza na dalawang contestants na galing sa showbiz ang mga magulang ay sina Pat Martinez, anak nina William Martinez at Yayo Aguila; at si Cathy na mula naman sa angkan ng mga Revilla.
 
Noong lumipat si Iza mula sa GMA-7, noong panahon pa lang ng paglipat niya, may lumabas na agad na balitang ang show na The Biggest Loser ang isa sa inalok sa kanya ng ABS-CBN kaya ito ang naging malaking konsiderasyon niya sa paglipat ng network.
 
Binigyang-linaw naman ni Iza ang bagay na ito.
 
Aniya, “Siyempre, it’s not just because of this. This is just one of the reasons. That’s why I said it’s a personal growth.
 
“Kasi, I knew it that if I’ll handle a show like this calibre, it would teach me a lot of good things and with opportunity like this, I would be able to inspire a lot of people and with opportunity like this, I would be able to hopefully, train me to be a better host.
 
“Kasi, isa rin yun sa mga field na gusto ko sanang paghusayan bukod sa pag-arte. But siyempre, lumipat din ako for other reason like acting.”
 
Hindi dahil sa papalitan niya si Sharon Cuneta bilang host?
 
“Hindi, hindi po, hindi ko nga alam noong time na yun noong nag-meeting kami.”
 
Pero, nainip din ba siya na matagal bago natuloy ang TBL simula nang lumipat siya?
 
“Actually, hindi ako nainip kasi last year, early last year pa namin ‘to naumpisahan. Ang mga tao ang naiinip kasi, hindi nila nakikita.
 
“Pero ako kasi, ginagawa ko siya, hindi ko naman maramdaman ang inip. Sabi ko nga, hindi ka naman makapag-tweet, makapag-Instagram, kasi, reality TV show siya.
 
“So, sabi ko, bahala na lang.
 
“Makikita naman nila sa oras na puwede na at sa tamang panahon, maiintindihan din nila.”
 
May pressure rin ba siyang nararamdaman na yung dating puwesto ng Megastar ang papalitan niya?
 
“Kapag hindi niyo tinatanong, wala naman. Kapag tinatanong niya, napi-pressure ako,” natatawang sabi niya.
 
Sabi rin ni Iza, “Kasi, may basbas din naman ito ni Ate Shawie. Nagpaalam din ako sa kanya na, 'Ate, I’m doing Biggest Loser Season 2.'
 
“She wished me well. I texted her and even before, the last time we saw each other for [the concert] Voices for Visayas, naglolokohan pa kami.”
 
Hindi na rin naman daw siya binigyan ng anumang payo ni Sharon.
 
“Hindi rin naman ako humingi. Nahihiya naman ako na hihingi pa ba ko, nakakahiya naman.”
 
Diretsuhan naman naming tinanong si Iza kung may takot siya na tumabang muli.
 
Mabilis namang sagot ni Iza, “Oo.  Kaya nga minsan, may takot akong magka-anak, ‘di ba? Pero sabi ko naman, siguro kung isang araw kung mabubuntis man ako at magkaka-anak, siguro maiintindihan naman ng tao kung lumaki ka.
 
“Nasa sa akin na rin naman yun, e. Tutal alam ko na rin naman kung ano ang kailangang gawin.
 
“And honestly, you have to forgive yourself if you can’t bring it back to what you where at your twenties or thirties.
 
“But as long as you try your very best, kasi, alam mo rin naman, e.”
 


ON BF BEN WINTLE. Nagsisilbing inspirasyon din naman daw ni Iza ang boyfriend na si Ben Wintle.
 
Sabi nga ni Iza, isa talaga sa hinahanap niya sa magiging boyfriend o ka-relasyon ay athletic din.
 
Pero, alam ba ng boyfriend niya ang takot niyang tumaba muli at maging yung minsang nararamdaman niyang takot na magkaroon ng anak?
 
“Oo naman, oo naman,” saad niya.
 
Ano ang sinasabi sa kanya ni Ben?
 
“Makakapagpa-payat ka pa naman, in english,” natatawang sabi niya.
 
“Supportive naman siya. Siyempre, may takot kang tumaba. Mag-gain ako ng five pounds, parang big thing na, paano pa ako in the future, you’ll never know.
 
“Pero siguro, kung nagagawa naman ng iba, e, ‘di kaya mo rin.”
 
 
Sa Sabado, February 1, magiging Iza Calzado day raw ang ABS-CBN dahil simula pa lamang sa It’s Showtime ay mapapanood na siya hanggang sa Maalaala Mo Kaya kunsaan, buhay niya ang itatampok at susundan ito ng primer ng The Biggest Loser.
 
Sabi naman ni Iza, hindi naman daw buong buhay niya ay inilahad na niya sa MMK.
 
“It’s basically everything why I became.  Nag-umpisa tayo when I was 7 or 8 years old hanggang sa bago ako mag-artista.
 
“Kasi, kung isasama pa natin lahat, parang nobela na yun. Ang dami na non. Siyempre, may struggles rin ako as an actress, it’s not easy to be in this job. But, it’s a totally different story."