Bianca Gonzalez, Toni Gonzaga, Robi Domingo, John Prats (lower right frame) and Slater Young (upper right frame) will be hosts of Pinoy Big Brother All In.


Alas-tres nang hapon kanina, April 14, nang magsimulang dumating sa  Red Gate side ng Smart Araneta Coliseum ang mga nagnanais na sumali sa final auditions ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na gaganapin bukas sa Big Dome.

Bandang 8:30 pm nang matriple ang bilang ng mga tao na dumagsa  sa Smart Araneta Coliseum dahil sa kanilang pangarap na masundan ang yapak nina Jason Gainza,  Kim Chiu at Gerald Anderson na nag-umpisa ang mga showbiz career bilang PBB housemates.

Ang actual auditions para sa Pinoy Big Brother All In ay nakatakdang gawin this Tuesday, April 15, at 7 a.m.

Ang PBB All In ang 11th edition ng reality show na magkakaroon rin ng online shows bukod sa primetime telecast at afternoon updates called Uber.

Sa kanyang official Twitter account, binalita ng business unit head na si Lauren Dyogi na ang mga hosts ngayon ay sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, John Prats at Slater Young.





Sa kanyang Twitter account, sinagot rin ni Direk Lauren ang tanong kung magiging host ba si Mariel Rodriguez sa PBB this year.


Aniya, "Unfortunately she is  not joining PBB5."



BIG DOME SITUATION. Hindi nagkulang sa paalaala ang security personnel ng ABS-CBN sa PBB aspirants na maging maingat sa  mga gamit na dala nila, kilalanin at kung maaari, kunan ng litrato ang kanilang mga katabi sa pila.

Nakaantabay sa red side gate ng Smart Araneta Coliseum ang ambulansya at paramedics ng ABS-CBN habang nakahiga na sa bangketa  ang mga magulang, kapatid at kaibigan ng PBB hopefuls. Naglagay rin ang Kapamilya Network ng mga portalet.


May baon na mga pagkain,tubig, banig at carton boxes na mahihigaan ang mga sasali sa PBB auditions dahil wala na silang balak na umalis sa paikot na pila o umuwi sa kanilang mga tahanan.


Ang first 10,000 applicants na may edad 15 hanggang 20 na pupunta sa Smart Araneta Coliseum ang mapapalad na mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa final audition ng  reality program ng ABS-CBN na nakatakdang umere sa telebisyon sa April 27.