Ryzza Mae Dizon accepted the trophy for Best Child Performer in the 1st Dabarkads Awards. Vic Sotto (right frame) accepted the award for Best Story for the Lenten Presentation titled "Pangalawang Bukas."


Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng competition ang mga artista na kasama sa Lenten Presentations ng Eat Bulaga.

Nominado ang mga artista ng anim na episodes ng TV specials na ipinalabas sa GMA-7 noong April 14-16, 2014.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa 1st Dabarkads Awards ng Eat Bulaga:

Best Supporting Role: Wally Bayola
Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon
Best Story: Pangalawang Bukas
Best Actor: Jose Manalo
Best Actress: Isabelle Daza


For  Best Actor, apat ang nominees:  Paolo Ballesteros for “Karugtong ng Puso,” Jose Manalo for “Pangalawang Bukas,” Keempee de Leon for “Kulungan Kanlungan,” and Michael V for “Hakbang sa Pangarap.”
 
 
For Best Actress, apat rin nominees: Julia Clarete for “Ilaw ng Kahapon,” Pauleen Luna for “Anyo ng Pag-Ibig,” Pia Guanio for “Kulungan Kanlungan,” and Isabelle Daza for “Kulungan Kanlungan.”


Nonimado ang lahat ng episodes para sa Best Story.

Noong Holy Monday, pinalabas ang “Karugtong ng Puso” (starring Ms. Susan Roces, Ehra Madrigal) at tungkol sa isang kasambahay na nagkaroon ng mana mula sa dating amo. Tumira siya sa lumang bahay kunsaan kahati niya ang ampon na inalagaan niya ng matagal na panahon. Halaw ito sa istorya ng buhay ni Emerita Seda na tinampok sa EB segment na “Juan For All.”

Ang “Ilaw ng Kahapon” (starring Dennis Trillo and Gladys Reyes) naman ay tungkol sa babae na hinahanap ang nawawalang ina. Naturuang magmahal muli ni Emily nang nang dumating si Dante sa buhay niya.
 
Noong Holy Tuesday, tampok ang “Hakbang sa Pangarap” (starring Assunta de Rossi, Michael V, Wally Bayola, Bea Binene, at Joey de Leon) na tungkol sa mag-asawa na lumpo at ang anak nila na naman ang kondisyon ng mga magulang.

Sa “Kulungan Kanlungan” (starring Maricel Soriano, Keempee de Leon, Isabelle Daza), isang matandang dalaga na naging masyadong istrikto sa mga kapatid.
 
Noong Holy Wednesday, napanood ang “Anyo ng Pag-ibig” (starring Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez) na tungkol sa babae na ipinanganak na walang buhok at ngipin.

Sa “Pangalawang Bukas” (starring Vic Sotto, Jose Manalo, Anjo Yllana at Ryzza Mae Dizon), pinakita ang kuwento ng tatlong tao na nagkrus ang landas dahil sa simbahan. Si Vic ay gumanap bilang isang pari na nangangarap maging monsignor. Si Jose ay gumanap naman bilang mang-aawit na nabulag at iniwan ng asawa. Siya ang naiwang tapag-alaga ng bata nilang anak na si Angel (played by Ryzza Mae).

(Read: Ryzza Mae Dizon, Maricel Soriano, and other stars to take part in 2014 Eat Bulaga Lenten Drama special)



Kabilang sa jury ng Dabarkads Awards ang veteran actor na si Phillip Salvador, Manunuri ng Pelikulang Pilipino member Butch Francisco, veteran filmmaker Mel Chionglo, pati showbiz writers Ricky Calderon at Mell Navarro.

Ang 50% ng votes ay mula sa jury members samantalang 50% naman mula sa votes ng TV audience base sa social media.