Kim Chiu and Matt Evans play young high school sweethearts in the September 13 episode of Maalala Mo Kaya. Photo: Courtesy of ABS-CBN


Noon, nagsama sila sa Pinoy Big Brother house as housemates. Naging bahagi sina Matt at Kim sa first teen edition ng reality show ng ABS-CBN kung saan nanalo bilang Big Winner ang Chinese Cutie from Cebu.

Ngayon, magtatambal na sila sa Maalala Mo Kaya sa isang kwento ng batang pag-ibig na mapapanood ngayong Sabado, September 13, 2008.

Pagkatapos ng matagumpay niyang pakikipagsapalaran sa My Girl, hindi muna makakapareha ni Kim si Gerald Anderson sa pagkakataon na ito. Magiging love interest ni Kim ang Iisa Pa Lamang star na si Matt Evans, na siyang mahiwalay naman sa kanyang love team partner na si Melissa Ricks.

Sa direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Ruel Montanez, sa isang high school ang setting ng pag-iibigan nina Kim at Matt. Pero lahat ay tutol sa pag-iibigang ito. Magtagumpay kaya ang kanilang mga puso laban sa mga pagsubok?

Abangan ang exciting na tambalang ito sa Sabado, September 13, pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Grand Finals Night.

Maalala Mo Kaya (September 13, 2008)

Director Dado Lumibao

Writer Ruel Montanez

Cast:

Aming - Kim Chiu

Pangking - Matt Evans

Payang- Mara Lopez

Darling- Hyasmin Neri

Neneng- Isabel Abierra

Jeff- Bryan Homecillo

Raymond- Martin del Rosario

Jeffrey- Justin Gonzales

Jeannie Vee- Zia Marquez

Paeng- Alfred Lobatos

Bingbing- Timmy Cruz

Pangking's Granny- Tessie Villarama