Cristine Reyes and Jake Cuenca will be the first love team to be featured in Precious Hearts Romance presents Bud Brothers. It will be aired on ABS-CBN starting May 2009.  Photo: Noel Orsal (Jake & Cristine)


Pagkatapos i-adapt sa telebisyon ang mga kuwentong hango sa pelikula na ang karamihan ay hango rin sa mga kuwento na serialized sa iba't-ibang pahina ng komiks noon, ngayon naman, ang bagong ihahandog ng ABS-CBN sa panghapong programa simula sa May. Ito ay ang mga kuwento ng pag-ibig na unang nabasa sa mga pahina ng libro ng pocket book ng Precious Heart Romances or PHR, ang "Bud Brothers" na isinulat ng romance writer na si Rose Tan.


Spearheading the project is Direk Lauren Dyogi na siyang unang nakakita ng potensiyal ng mga sikat na kuwento sa Precious Hearts Romances na hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa iba't-ibang bansa in-terms of readership.


Isang buong season ang itatakbo ng "Bud Brothers" na magtatampok every two weeks ng iba't-bang love team sa isang natatanging kuwento ng pag-ibig.


Bukod sa "Bud Brothers," nakuha na rin ng ABS-CBN ang rights ng Kristine Series, isa sa pinakasikat at well-read series ng PHR.  Pero ayon kay Direk Lauren, they have decided na unahin na munang i-feature ang "Bud Brothers" dahil sa mas lighter approach ng mga kuwento rito.


"It's light, it's romantic. It's also well-recommended by the publisher. Si Rose Tan kasi, sila yung mga sikat na writers. ‘Yung Kristine naman, we're already on a pre-production for it. Malaki kasi ang magnitude ng Kristine. It's something na kailangan naming planuhin."


Ayon kay Direk Lauren, this will be a long-running show na ang talagang title ng programa raw ay Precious Hearts Romances at ang pilot presentation nito ay ang "Bud Brothers."


Sa mga nakakabasa ng libro, posibleng hindi maiiwasan ang pagkumparahin ang mga characters na mababasa nila at kuwento mismo sa libro at sa mapapanood. Nakahanda na ba sila sa bagay na yun?


"Well, inevitably, but there was a lot of limitations kasi. Hindi naman lahat ng artista sa atin will fit dun sa description sa libro. So, we made adjustments. Pero, marami rin naman ang hindi nakabasa that will enjoy it. I suppose, meron talagang maiinis na bakit ganyan, hindi ganyan sa libro? But story, we'll keep it."


Aminado si Direk Lauren na casting pa lang daw, nahirapan na sila.


"Mahirap talaga. Unang-una, ang mga lalaki sa pocket books, hindi katulad ng mga artista at hindi ganoon karami ang artista. Like right now, sa Star Magic, we're willing to have a search sa kung sino ang puwedeng maging bida and find who can fit. Baka nga minsan, mas safe pa yun dahil kapag artista, meron na silang image ng artista sa isip nila."


JERRY SINENENG TAKES OVER.
Ang PHR presents Bud Brothers sana ang TV project na ididirek ni Direk Cathy Garcia-Molina. Pero dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa, Direk Jerry Sineneng will now be the director of "Bud Brothers."


"Dapat kasi, nag-taping na kami noong Tuesday [March 31]. Biglaan, Sunday nangyari yun [the death of Direk Cathy's husband]. Tapos, kausap ko siya kaninang umaga, siyempre, hindi ako maka-buwelo sa kanya dahil sa nangyari. But she called me up. Nagpaumanhin siya na hindi niya muna magagawa.


"Ako yata ang una niyang tinawagan noong Sunday dahil worried siya sa taping. Pero sabi ko nga, huwag na muna niyang intindihan, pinak-ap ko na yung Tuesday, so, sabi ko, kung kakayanin mo, hindi ko ipa-pack-up yung Monday and Wednesday. Ang hirap kasing buuin ng schedule ng mga artista, walo yan, pagsasama-samahin mo sa pilot.  So, kanina nga, sinabi niyang parang hindi niya kakayanin dahil parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya yung lahat. At saka, mahirap yata na namatayan ka, tapos love story ang gagawin mo."


(Click HERE to read related story about the tragic accident of Direk Cathy's husband.)


In terms of kakayahan, hindi nga naman matatawaran din ang kakayahan ni Direk Jerry Sineneng na ayon kay Direk Lauren Dyogi, mabuti na lang daw na may oras pa na nailaan para sa PHR.


Personally, inamin ni Direk Lauren na tila nagsawa na rin daw siya na isang movie ang pinaka-babasihan ng kuwento sa mga afternoon series. Nagbasa raw siya ng mga PHR novels at para sa kanya, it's about time na ang medium naman na ito ang isalin sa telebisyon.


"Gut feel ko lang, gut feel ko lang na magugustuhan ng public. Plus the fact na meron na rin siyang following. So, sa mga hindi nakakabasa, this is their chance to get to know rin kung gaano ka-rich ang pop-literary culture ng Filipino."


Ngayong May na ie-ere ang pilot episode ng "Bud Brothers" na tatampukan for the first time ng team-up nina Jake Cuenca at Cristine Reyes.


Bukod dito ay ang iba pang Kapamilya pairs na sina Mariel Rodriguez and Rafael Rosell; Joem Bascon and Wendy Valdez; Janna Dominguez and Manuel Chua; Guji Lorenzana and Roxanne Guinoo; Will Devaughn and Valerie Concepcion; at Aaron Villena and Maricar Reyes.


Tapos na ang story conference nang makita ng PEP si John Prats na dumating habang kasalukuyan pang nagpi-pictorial ang cast sa Pinoy Dream Academy building.  Napag-alaman ng PEP na si John at isa pang aktres (who identity is still under wraps) ang kukumpleto ng walong pares ng love teams para sa Precious Hearts Romances present Bud Brothers.