Makikitang muli sa telebisyon si Lorna Tolentino sa pamamagitan ng drama anthology show ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.
Habang hinihintay ng lahat ang kanyang paglabas sa teleseryeng pagbibidahan nila nina Gabby Concepcion and John Estrada, isang emotionally and physically battered character ang gagampanan ng tinaguriang "Grandslam Queen" ngayong Sabado, April 18.
Labis na natutuwa si LT sa kanyang pagganap bilang isang ina na pinipilit na panatilihing buo ang kanyang pamilya sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumarating sa kanila. Sa pagbagsak ng haligi ng kanilang tahanan na si Jaime (na ginagampanan ni Albert Martinez), ang ilaw ng tahanan na si Miriam (ang papel nagagampanan ni Lorna) ang siyang magsisilbing tagapagligtas ng pamilya laban sa pagkakawatak-watak.
Sa direksyon ni Nuel Naval, siguradong mapapatutok na naman tayong lahat sa natatanging episode na ito ng MMK.
Hosted by Charo Santos-Concio, ang Maalaala Mo Kaya ay pinapalabas sa ABS-CBN pagkatapos ng The Singing Bee.