Kim Chiu is cast as a fashion designer who is about to marry Rafael Rosell's character in Your Song. Photo: ABS-CBN

PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Hinangaan ni Kim Chiu si Vice Ganda dahil sa kanyang natural na pagpapatawa. Halos sumakit ang tiyan ni Kim sa kakatawa noong nagkasama sila sa taping ng Your Song na ipapalabas na ngayong Linggo, March 20, sa ABS-CBN.


"'Grabe, kahit simpleng hirit lang ni Vice Ganda, natutuwa ako agad. Ang saya-saya talaga sa set namin nun,' kwento ni Kim.


"Samantala, bilib rin si Vice sa angking galing ni Kim pagdating sa pag-arte, 'Ang dami na rin kasi nagampanan ni Kim na roles, and lahat yun nagagawa niya ng mahusay. Kahit sino ata makasama ni Kim sa eksena, magagalingan sa kanya,' pahayag ng komedyante.


"Ang episode ngayong Linggo sa Your Song ay iinog sa kwento ng magkapatid na sina Justine (Kim) at Mars (Vice Ganda). Isang sikat na fashion designer si Justine at na ikakasal na kay Robert (Rafael Rosell). Simula nang mamatay ang magulang nina Justine at Mars, si Mars na ang tumayong ama ni Justine. Lumaki si Justine na may paghanga sa kanyang kapatid na sa Amerika nakapag-hanap-buhay bilang impersonator na hindi alam ni Justine. Paano kung dumating ang panahon na dapat nang ipagtapat ni Mars ang kanyang tunay na pagkatao?


"Alamin ang kasagutan sa Your Song presents Kim ngayong Linggo sa ABS-CBN."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.