Isang kontrobersyal na episode ang mapapanood ngayong Sabado, Mayo 28 ng gabi sa Maalaala Mo Kaya. Kinatatampukan nina Ian de Leon at Kaye Abad na gaganap bilang magkapatid, kapwa sila maloloko ng kani-kanilang mahal sa buhay.
Mapapanindigan kaya ng kanilang mga karakter ang mapait na kinasapitan ng kanilang mga buhay nang maging magkarelasyon ang kanilang mga karelasyon?
Makakasama rin nila sa nasabing episode si Desiree del Valle at Manuel Chua.
'Yan ang aabangang episode ngayong Sabado sa direksyon ni Nuel Naval.
Airing Date: May 28, 2011
Director: Nuel Naval
Writer: Rose Colindres
Cast:
Ian de Leon as Macoy
Kaye Abad as Imelda
Desiree del Valle as Romilla
Manuel Chua as Chris