What fate awaits Alex Gonzaga's character Grace in the final episode of Babaeng Hampaslupa this Friday, July 15? Photo: Mark Pimentel

PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Makapigil-hininga ang bawat eksena sa pinakaabangang pagtatapos ng kauna-unahang dramaserye ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa. Ngayong Biyernes, Hulyo 15, malalaman na kung ano ang tadhana nina Helena (Susan Roces), Diana (Alice Dixson) at Grace (Alex Gonzaga).

"Paano nga ba magwawakas ang kasamaan nina Edward Wong (Eddie Garcia) at Katarina (Bing Loyzaga)? Makakamit ba ng mga taong kanilang inapi ang hustisya?

"May mga malalaking sikretong mabubunyag sa muling pagbalik ni William (Christian Vasquez) na kailangang pakaabangan. Paano maapektuhan ng sikretong ito ang pamilyang Wong? Makakamit na nga ba ni Charles (Jay Manalo) ang minimithing pagkabuo ng kaniyang pamilya. Saan hahantong ang relasyon ni Grace kay Nato (Alwyn Uytingco) at Andrew (Martin Escudero)?

"Lahat ng yan ay malalaman na sa engrandeng pagtatapos ng dramaseryeng tinutukan ng bayan. Huwag palalampasin ang huling episode ng Babaeng Hampaslupa ngayong Biyernes pagkatapos ng Bangis sa TV5."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.