Jasmine Curtis-Smith gets her first acting stint through TV5's remake of Ang Utol Kong Hoodlum. JC de Vera will serve as her leading man in this action-serye that will air its pilot episode on September 12, 2011.

PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Simula ngayong Setyembre 12, tiyak na paiinitin nina Action Prince JC De Vera at ng bagong primetime princess na si Jasmine Curtis-Smith ang inyong mga telebisyon sa explosibong pagbubukas ng pinaka-aabangang pagsasa-telebisyon ng action blockbuster ni Deo J. Fajardo, Ang Utol Kong Hoodlum.

"Gagampanan ni JC at Jasmine ang papel ng isang tusong magnanakaw at mayamang heredera na pinasikat nila Robin Padilla at Vina Morales sa orihinal na blockbuster movie.

"Bilang Ben Maningding, si JC ay isang mabait na kriminal na pinipili lamang biktimahin ang mga arogante at mayayaman. Itinuturing siyang isang 'Robin Hood' sa kanilang lugar dahil ginagamit niya ang perang nanakaw upang tulungan ang mga mahihirap at kapos sa buhay. Ngunit ng malagay sa alanganin, mapipilitan siyang mangibang bansa upang magawa niya ang tama at ma-protektahan niya ang pinakamamahal niya.

"Ang baguhang aktres na si Jasmine ay sasabak sa kanyang unang proyekto sa papel na Bing Morrison, isang Pinay-Australian na maranyang namumuhay sa Australia kasama ang kanyang  mga magulang. Nais niyang maglakbay at malaman ang mundo at matutupad ito sa pamamagitan ng kanyang Lolo Teodorico (Noel Trinidad) na nagdesisiyon na umuwi sa Pilipnas na kasama siya.

"Magtatagpo ang landas ng dalawa. Bagamat magkaiba ang mundong kanilang kinagagalawan, sabay nilang madidiskubre ang hirap ng buhay at matutunan ang katotohanan tungkol sa buhay nila na pinagbubuklod ng tadhana.

"Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ang pinakabaong palabas ng TV5. Ito na ang isa sa mga malaking produksyon na ginawa ng Kapatid network. Naglibot ang show sa iba't ibang lokasyon kabilang na ang Baguio, Tagaytay, at Binangonan at ang kabigha-bighaning Sydney, Australia.

"Ang bawat episode ay puno ng umaatikabong bakbakan at makapigil-hiningang eksena. Sumailalim sa isang matinding mixed martial arts training si JC upang lubusang mapaghandaan ang kanyang role.

"Ang Utol Kong Hoodlum ay sa ilalim ng direksyon ni Topel Lee at Argel Joseph at kinatatampukan din nina Jay Manalo, Ara Mina, Arci Muñoz, Carlo Aquino, Regine Tolentino, Empoy, IC Mendoza, Rainier Castillo, Dennis Padilla, Ramon Christopher, Benjie Paras, Jef Gaitan, Bella Flores, at Flora Gasser.

"Araw-araw na subaybayan ang walang humpay na action at drama na hatid ng Ang Utol Kong Hoodlum. Ang aksyon-serye ay magsisimula na sa TV5 ngayong Lunes, Setyembre 12, pagkatapos ng Bangis."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.