Amaya episodes undergo adjustment because of typhoon Pedring; Aljur Abrenica's character won't be introduced tonight

Rommel Gonzales
Thursday, September 29, 2011 @ 02:43PM  |  262 views

Aljur Abrenica's character Dayaw in Amaya will be seen next Tuesday, not tonight, September 29.













Nagkaroon ng changes sa airing ng episodes sa epic-serye na Amaya.

Supposedly ay mamayang gabi na mapapanood si Aljur Abrenica bilang si Dayaw.

Pero, dahil nagkaroon daw ng adjustments sa episodes ng Amaya, sa Martes na lalabas ang karakter niya sa pinagbibidahang epic-serye ni Marian Rivera.

Isa ang Amaya sa mga naapektuhan ng pagragasa ng bagyong Pedring na nanalanta sa bansa nitong nakaraang Martes.

Nitong Lunes kasi ay may taping dapat sa Pagsanjan ang nasabing epic-serye.

Dahil sa sama ng panahon, nahirapan silang kunan ang mga eksena na karamihan ay outdoor scenes.

Sa Facebook at Twitter account ng direktor ng Amaya na si Direk Mac Alejandre noong Martes ng madaling-araw, sinabi nitong, "Today has been a struggle. Pedring is giving us such a difficult time.

"We have been exposed to the elements. Am now running a temp."

Samantala, going back to Aljur, ang karakter niya bilang si Dayaw ay isang Manikiad—isang titulo ng isang tao na nakapatay na ng isa, o higit pang tao.

Ang isang Manikiad ay sinasabing next-in-line sa paggiging Bagani, o warrior chief.

Ngunit iba si Dayaw.  Dahil siya ang palaging naaatasan na magdala ng kanilang mga kalakal [tulad ng prutas, gulay, at iba pa] sa mga taga-ibaba [mga taga-kapatagan, o taga-dagat], o taga-labas, lantad siya sa ibang tao, kultura at paniniwala.  

Naniniwala rin si Dayaw, na para sila matuto, kinakailangan nila ang taga-labas upang mapag-aralan ang mga kultura nito.

Ang karakter ni Aljur bilang Dayaw ang bagong pasok sa Amaya.

Samantala, namatay na ang karakter na Lumad na ginampanan ni Mikael Daez sa naturang epic-serye last Wednesday. 

1  

Related Articles

99 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name