(L-R): Jose Manalo, Vic Sotto, and Wally Bayola.  The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto will air  on TV5 starting November 5 after Wil Time Big Time. Photo: Courtesy of TV5

"A show within a show," ganito inilarawan ng lead star na si Vic Sotto ang upcoming comedy series niya sa TV5 na The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto.

Katulad ng mga nauna nilang show na Laugh Out Loud at R U Kidding Me, makakasamang muli ni Vic sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na presscon ng show kahapon, Oktubre 24, sa TV5 Broadway Centrum Studio sa Aurora Blvd., Quezon City.

Dito'y sinabi ng direktor ng show, na si Bert de Leon, kung papaano nagsimula ang ideya ng paggawa ng ganitong klaseng show.

"Well, nagumpisa ito kasi... Alam n'yo naman may history na kami ni Vic [Sotto] ng mga ginawa naming sitcoms, and this is the latest one," panimula ni direk Bert.

"No'ng sinabi ng channel 5 na gusto nila ng sitcom with Vic, Jose [Manalo] and Wally [Bayola], e, parang kadugtong ng mga ginawa naming, 'yong Laugh Out Loud 'tas naging R U Kidding Me.

"Now, coming up with a new sitcom, e, nag-usap kami ni Bossing [Vic Sotto] and for a change, gawin nating bida 'yong dalawa, si Jose tsaka si Wally pero starring Vic Sotto."

A SATIRE SHOW? Ang show na ito ay sasalamin sa mga paghihirap off-cam ng buong production team upang maisakatuparan ang isang show.

Ikinuwento ni direk Bert kung paano ang magiging takbo ng istorya.

Sabi niya, "We try to give the sitcom a different spin, a different look.

"'Yong dalawa [Jose Manalo and Wally Bayola] pareho silang may TV shows sa rival networks, magkalaban sila talaga.

"Ang pangalan ni Wally is Willie, ang pangalan ni Jose is Joey.

"Ngayon, na-cancel 'yong shows nila pareho. Ang common friend nila, in their desperation to get back to doing another show, is 'yong kaibigan nilang direktor si Direk Vic 'yon.

"Siya [Direk Vic] 'yong nakaisip ngayon na pagsamahin 'yong dalawa and 'yon, the basic concept of the show is the working pain kung papaano gagawin 'yong TV show mo, 'yong dalawang artista mo hindi magkasundo, silang dalawa ay frenemies.

"They have to learn to coexist kasi ang motivating factor do'n, e, 'yong parehas silang may TV shows.