Anne Curtis won the P100,000 cash prize during the 2nd anniversary celebration of Showtime. The actress chose to donate the money to Unicef. Photo: Allan Sancon

Ngayong 2011, umabot na ng dalawang taon ang pag-ere ng Showtime sa ABS-CBN. Iba't ibang acts ang nagpapakita ng kanilang talento na ipinakikita sa mga hurado (judges) na siyang namimili kung sino ang mananalo sa naturang programa. Noong nakaraang linggo mula October  17 (Lunes)  to October 22 (Sabado), ay isang linggong ipinagdiwang ng Showtime ang kanilang 2nd anniversary.

Sa pagkakataong ito, hindi ang mga madlang people ang nagpakita ng gilas kundi ang mga hosts mismo ang nag showcase ng kani kanilang mga talent sa bawat araw, at may katumbas itong premyo sa mapipiling pinakamagaling na mag sample. Napiling mga judges ang mga beauty and fashion  expects na  sina Dr. Manny Calayan, Dra. Vicki Belo, celebrity stylist Liz Uy, businessman Joel Cruz at ang blockbuster  direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay nagbigay ng iba't ibang presentation ang mga hosts ng Showtime na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Joe Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Vice Ganda at sina Jugs at Teddy. Naging mahigpit ang kumpetisyon ngunit itinanghal na Grand Winner noong Sabado, October 21, si Anne Curtis dahil sa kakaibang talent nito.

Nag pole dancing si Anne at pinakita rin ang skills niya sa aerial dancing. Kinanta rin ni Anne ang Adele's "Someone Like You" and The Aerosmith's "I Don't Wanna Miss A Thing." Si Jed Madela ang naatasan na humawak ng microphone ni Anne habang kumakanta ang aktres. Para sa finale ng kanyang performance, umakyat si Anne sa taas ng transparent container of water at nang tamaan ang target, biglang nahulog si Anne sa tubig. Hindi pa dito nagtapos ang performance ni Anne dahil inangat pa siya at saka niya kinanta ang last part ng kanta habang nakatiwarik.

Palakpakan at nagulat ang madlang people sa kakaibang talentong ipinakita ni Anne Curtis. Nagwagi si Anne Curtis ng P100,000 bilang gantimpala. Ido donate niya sa napili niyang charitable instution. Matapos ang show  ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Anne at ito ang kanyang ilang pahayag:

Ano ang pakiramdam mo na ikaw ang nanalo sa competition na ito?

"I'm so happy na natalo ko si Vice, kasi sinasabotahe nila ako, nakikialam, nilalagyan niya ng langis yung pole, ibang leveling yung ginagawa nila, hindi! Joke lang...I'm so happy na, we were able na all of us, showcase our talents na iba iba talaga yung pinakita namin, and whatever na makuha naming money bilang premyo we give it to charity."

Sino nakaisip ng idea na ginawa mong talents?

"Kami lang, kami-kami lang yun. Idea namin yun."

Paano mo pinaghandaan yung talent na ginawa mo? Pinag-aralan mo ba talaga yung pole dancing at air dancing?

"Yes, nag lesson talaga ako for air dancing and pole dancing."

Planado ba talaga lahat nangyari sa sample mo na yun? Pati ba yung pagbagsak mo from the air sa tubig?

"Yes,  kasama yun, lahat, lahat is planned and I was able to talk to Jed [Madela], gusto ni Jed at game siya, so it fell into place."

Sabi mo kanina na sa charitable institution mo ido-donate yung napanalunan mong P100,000 na premyo? Sa anong charitable institution mo ido-donate?

"Sa Unicef, kasi I really have a heart for children and ang dami talagang bata na nangangailangan ng tulong, di ba? They are the future of our country, so I believe that they should be prioritizes: their health, their well being, so sila yung napili ko."

What's next for Anne Curtis, after the success of No Other Woman at AnneBisyosa album na nagkamit na ng Gold Record Award?

"Balita ko concert, hahaha! Hindi, hindi pa naman, I don't know yet. We'll see na lang, wala na akong balak na humingi pa ng blessings dahil sobrang happy na ako sa nangyayari sa career ko."