E-Boy stars (from left, back row) Valerie Concepcion, Ariel Rivera, Agot Isidro, Jomari Yllana, and Chinggoy Alonzo as well as (from left, front row) Maliksi Morales, Bugoy Cariño, Blythe Gorostiza, and Deydey Amansec. Photo: Noel Orsal

Pagkatapos ng Imortal, muling mapapanood sa bagong serye ng ABS-CBN si Jomari Yllana.

Ito ay ang E-Boy na mapapapanood pagkatapos ng TV Patrol simula sa January 30 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 


Si Bugoy Cariño ang gaganap na E-Boy, isang batang robot na binigyan ng mga katangian ng isang tao na nang lumaon ay nagtulak sa kanyang hangaring maging isang tunay na bata. Ngunit sa kanyang paglalakbay at sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan, malalaman niyang ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng laman at dugo, kundi ito ay buhay na binibigyang kahulugan ng pamilya, pagkakaibigan at tunay na pagmamahal.

Ikinuwento ni Jomari sa PEP.ph ang role niya sa nasabing serye at ang adjustments na ginawa niya para sa kanyang character.

"Kapatid ako ni Ariel [Rivera], kami yung magkapatid. Parang hindi naman kontrabida, nandun yung magkaiba yung nanay, tatay.

"Illegitimate siya, ako yung totoo.

"Pero siya yung mas magaling, siya yung gumawa kay E-Boy [Bugoy Cariño].

"Nandun yung rivalry ng magkapatid, more dun sa atensiyon ng ama--kung sino yung mas magaling na nagre-represent sa mga anak. 

"Pinapakita yung mas malalim na pinagdaraanan ng magkapatid na lalaki...

"Ayokong sabihing Cain at Abel, wala akong maisip parang ganun, pero hindi naman siya ganun kasama.

"Maganda, para sa akin medyo prumepresko lang. Hindi ko maalala kung kailan ako nag-portray ng ganitong character.

"Medyo parusa sa make-up, they have to soften everything.

"Soften the eyes, the smile, the pilik-mata, innocent look.

"Sa akin bawal kumunot yung noo, e, ganun ako madalas so yun ang pressure sa akin, 'yung make up, preparation, saka yung approach ng director.  Yung director namin metikuluso when it comes to it, ito gusto at kailangan niya for eksena.  It's not like nakasanayan namin, alright, this is the scene, ito ang kailangan natin, go. Dito it's more yung director, hawak kami sa leeg, e, so ibang approach naman. Dito 100% kaming hawak sa leeg ng director, ito ang gusto niya so you have to give him your 100% trust kasi kundi mo kayang magtiwala di mo magagagawa.  You trust the director, trust the production, everything. Yun ang medyo mahirap na adjustment sa akin pero carry over naman."