Sun, September 21, 2014
Guide/Movies
Text size: A A A
Gawad Pasado winners unveiled
By Alex Datu
05/13/09 11:54 pm

 


Inilahad na ng PASADO, ang Pampelikulang Samahan Ng Mga Dalubguro sa pampubliko at pampribadong paaralan sa antas ng elementarya, sekundarya at tersyara, ang kanilang taunang pagbibigay parangal sa mga artistang pasado sa kanilang panlasa base sa iba't ibang panukatan ng mga kategoriya.
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Pelikula ay ang Baler (Viva Films), Caregiver (Star Cinema) at Ploning (Panoramanila Pictures).  Ang mga nominado ay Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Cutting Edge Productions) Jay (Pasion Para Pelicula Productions), at Serbis (Center Stage Productions).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Direktor ay si Dante Nico Garcia para sa pelikulang Ploning ng Panoramanila Pictures.  Ang mga nominado ay sina Chito Rono (Caregiver), Dante Brillante Mendoza (Serbis), Mark Meily (Baler) at Francis Xavier Pasion (Jay).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Aktor ay si Jericho Rosales sa pelikulang Baler ng Viva Films.  Ang mga nominado ay sina Baron Geisler (Jay), John Lloyd Cruz (A Very Special Love), Christopher de Leon (Magkaibigan) at John Estrada (Caregiver).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Aktres ay sina Sharon Cuneta (Caregiver) and Judy Ann Santos (Ploning).  Nominado sina Anne Curtis (Baler), Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Ninyong Lahat) at  Gina Pareno (Serbis).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Katuwang na Aktor ay si Coco Martin para sa pelikulang Jay ng Pasion Para Pelicula Productions.  Muling nanomina si Coco sa pelikulang Serbis at ang ibang nominado ay sina Phillip Salvador (Baler), Jinggoy Estrada (Magkaibigan) at Yul Servo (Torotot).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Katuwang na Aktres ay si Eugene Domingo para sa pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema.  Ang mga nominado ay sina Boots Anson Roa (Love Birds), Irma  Adlawan (A Very Special Love), Ces Quesada (Ploning) at Mylene Dizon (Ploning).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Dulang Pampelikula ay Ploning (Dante Nico Garcia at Benjamin Lingan).  Ang mga nominado ay Jay (Francis Xavier Cruz), Serbis (Dante Brillante Mendoza), Baler (Roy Iglesias) at Caregiver (Chris Martinez).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Sinematograpiya ay ang  pelikulang Ploning (Charlie Peralta, Panoramanila Pictures).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Lee Meily, Viva Films), For The First Time (Eli Barce, Star Cinema), Caregiver (Eli Barce, Star Cinema) at A Very Special Love (Manuel Teehankee, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Editing ay ang Baler (Danny Anonuevo, Viva Films). Nominado ang mga pelikulang Ploning (Danny Anonuevo, Panoramanila Pictures), Caregiver (Manet Dayrit, Star Cinema),  Matakot Ka sa Kulam (Ria de Guzman, Renewin Alano at Angelo Pestano, Regal Films) at A Very Special Love (Marya Ignacio, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Istorya ay ang Caregiver (Chris Martinez, Chito Rono at Jewel Castro, Star Cinema).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Roy Iglesias, Viva Films), Ploning (Dante Nico Garcia, Panoramanila Pictures), Jay (Francis Xavier Cruz) at Serbis (Dante Mendoza, Center Stage Productions).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Musika ay ang pelikulang Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Jessie Lasatin, Cutting Edge Productions).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Vincent de Jesus, Viva Films), Ploning (Jessie Lasaten, Panoramanila Pictures), Urduja (Mon Faustino) at Caregiver (Carmina Robles-Cuya, Star Cinema).
 
Ang nanalo para sa Pinakapasadong Tunog ay ang pelikulang Dayo Sa Mundo Ng Elementalia (Albert Michael Idioma, Cutting Edge Productions).  Ang mga nominado ay ang mga pelikulang Baler (Ditoy Aguila, Viva Films), Caregiver (Albert Michael Idioma, Star Cinema), Ploning (Albert Michael Idioma, Panoramanila Pictures) at Mag-ingat Ka sa Kulam (Bebet Casas, Regal Films).
 
Ang mga Natatanging Gawad Pasado '09 ay ipinagkaloob kay Ces Quesada bilang Pasadong Guro.  Pinakalooban sina Luis Manzano at KC Concepcion ng Pasadong Kabataan at para sa Pasadong Pelikula Sa Lahat Ng Panahon ay ipinagkaloob ito sa pelikulang Himala ng Experimental Cinema of the Philippines.  Kasama sa ginawaran ay si Nora Aunor bilang Pasadong Aktres ng nasabing pelikula at ginawaran din si Ricky Lee bilang Pasadong Manunulat.
 
Ang Pasado Lifetime Achievement Award kay Ms Mel Tiangco para sa GMA-Kapuso Foundation at ginawaran din si German Moreno sa larangan ng Entertainment.  Nakamit naman ni Boy Abunda ang parangal na Pasado-Dangal ng Akademiya.
                                                                  
Gaganapin ang bigayan ng parangal sa darating na Sabado, ika-16 ng Mayo, 2009 sa Manila Grand Opera Hotel.  May gaganaping isang mini-concert para sa mga istudyante mula sa iba't ibang mga unibersidad sa bandang  4:00 ng hapon, sa bandang alas-singko ay magkakaroon ng hapunan at bandang alas-otso ng gabi ay sisimulan ang pagbibigay parangal.

 





0 Comments

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite