PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo at Kristine Hermosa magpapakasal na sa 2007

Sa September 2007 raw ikakasal sina Diether at ang kanyang girlfriend na si Kristine Hermosa.
by Eric Borromeo
Published Nov 17, 2006

Mismong si Diether Ocampo ang nagkumpirma na pinaplano na nila ni Kristine Hermosa ang pagpapakasal sa 2007. September ang buwang napili ng magkasintahan para raw kung sakali ay maisabay sa birthday ng young actress.

"May plano na talaga kami, pinaghahandaan na lang namin," sabi ni Diether sa panayam sa kanya ng PEP noong November 3 sa Pizza Hut E. Rodriguez, Quezon City. "This time, we want to make things right. Ayaw na naming magmadali. Gusto naming ayusin ang lahat. We want to start right."

Samantala, may mga ‘nanliligaw' daw ngayon kay Diether para tumakbong vice-mayor ng Bacoor, Cavite. Pero aminado naman ang aktor na hindi pa sapat ang kanyang kaalaman sa pulitika kaya nag-aalangan siyang pasukin ito.

"Sa akin lang, ang pulitika kasi parang ‘calling' din ‘yan, e," sabi niya. "Kung nandoon talaga ang kapalaran ko, mapapasok ako diyan. Sa ngayon, nakakatulong din naman ako sa mga kababayan natin kahit hindi ako pumasok muna sa pulitika. Saka mas magulo diyan kesa sa showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, sa kanyang simpleng paraan ay tumutulong si Diether sa mga kababayan nating kapus-palad lalung-lalo na sa mga kabataan. Lingid sa kaalaman ng marami, may foundation ang aktor—ang KIDS Foundation—at sa December 14 at 15 ay may fundraising event ito sa Eastwood City, Libis na ang beneficiaries ay ang mga batang may kanser sa National Orthopedic Hospital.


Next year ay magiging visible na rin sa TV si Diether. Sa January, mapapanood siya sa Rounin, ang fantasy series ng ABS-CBN. May gagawin din daw silang teleserye ni Kristine sa susunod na taon, at hopefully, matatanguan na niya ang ilang movie projects na tinanggihan niya this year dahil sa kanyang busy schedule.

Patuloy pa rin ang tour ng bandang Blow ni Diether. Kamakailan napanalunan nito ang Best Actor award ng 20th PMPC Star Awards for TV para sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results