Quark Henares is very proud of his fourth film, "Super Noypi" Photo: Noel Orsal


Inspired ng toy collection ng young director na si Quark Henares ang pelikula niyang Super Noypi.



Marami kasing koleksyon ng mga mamahaling action figures si Direk Quark, karamihan doon ay mga superheroes na tulad nina Superman, Batman, Spiderman, at mga Star Wars collectibles. Dito niya nakuha ang ideya na gumawa ng isang movie tungkol sa mga Pinoy superheroes.



"Matagal ko na kasing naiisip ang ganyang pelikula. Maybe because I'm fascinated with my toy collection, plus I'm really into these special-effects movies. So why not come out with one good movie na mga young stars ang magiging bida with superpowers?" sabi ni Direk Quark sa press con ng Super Noypi last December 16 sa Imperial Palace Suites.

Happy si Direk Quark sa naging outcome ng kanyang pelikula na isa sa official entries ng 2006 Metro Manila Film Festival. Ayon pa sa director, alam niya na magiging matinding kalaban ng Super Noypi ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto, pero expected na raw iyon. Ang pelikula raw niya ay para naman sa fans ng mga bagets na stars ng Super Noypi—Mark Herras, Jennylyn Mercado, Sandara Park, John Prats, Katrina Halili, at Polo Ravales.



"Wala naman kaming balak na sagupain head on ang Enteng Kabisote," nakangiting sabi ni Direk Quark. "Happy lang ako because napasama siya sa MMFF and may alternative ang mga batang manonood sa festival. Kapag standing room only na ang Enteng Kabisote, they can always watch Super Noypi. Hindi naman kami mapapahiya because pinaghirapan namin nang husto ang buong pelikula."



Ika-apat na pelikula pa lang ni Direk Quark ang Super Noypi. He made an impressive directorial debut in Gamitan (2002), kung saan bida si Maui Taylor. Sumunod ang dark comedy na Keka (2003) ni Katya Santos. Recently ay isa siya sa nagdirek sa twinbill horror na Wag Kang Lilingon (2006) ng Star Cinema.



Hindi ipinagkakaila ni Direk Quark na inspirasyon niya sa pagdirek ang kanyang favorite director na si David Lynch, na siyang nagdirek ng mga experimental at mala-surreal na Hollywood films na Blue Velvet, Mulholland Drive, at Twin Peaks.