PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jao Mapa, nagbabalik-showbiz

Sa Super Noypi, ang dating guwaping ay gumanap bilang ama ni Mark Herras
by Wells Avante
Published Jan 2, 2007
Ang 30-year-old actor ay muling nasilayan ng publiko this year sa mga pelikulang You Are The One at Super Noypi.


Para kay Jao Mapa, one step at a time lang ang ginagawa niyang pagbabalik sa mundo ng showbiz pagkatapos ng mahabang panahon.

Si Jao ang isa sa pinakasikat na young stars noong ‘90s, ngunit dahil na rin sa kanyang sariling kagustuhan ay pansamantala niyang iniwanan ang career bilang artista.

Ang 30-year-old actor ay muling nasilayan ng publiko this year sa mga pelikulang You Are The One at Super Noypi.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jao sa lobby ng Aliw Theater ilang oras bago magsimula ang Metro Manila Film Festival Awards Night noong December 29.

"It feels great. Medyo okay naman yung mga dumarating [na projects]. It's good. Step by step getting back... May sumusubaybay pa rin, may nanonood sa akin, may nakakakilala pa rin sa akin," sabi ni Jao tungkol sa kanyang pagbabalik.

Kahit hindi pa naman ganun katanda si Jao ay tumatanggap na siya ngayon ng father roles. Sa katunayan, gumanap siya bilang ama ni Mark Herras sa Super Noypi. Ang totoo'y 10 years lang ang age difference ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First time ko 'to [na gumanap bilang ama]. The role...it's a good stepping stone for getting back," sabi niya.

Dahil nga dumaan din si Jao sa pagiging young star, ikinumpara nito ang mga teen stars noon at ngayon.

Pag-oobserba niya, maraming "reality shows. A lot of younger, more great-looking and prettier people in the business, which is good."

Kapanahunan ni Jao ang mga Gwapings na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso. Ilan sa mga naging pelikula niya ay Pare Ko (1995), Hataw Na (1995), Matrikula (1997), at Babae (1997).

JAO, THE FAMILY MAN. Tatlo na ang anak ni Jao sa asawa niyang si Cecil. Ikinasal sila noong December 20, 2002. Apat na taong gulang ang panganay niyang si Ben, isang taon naman si Caleb, at five months pa lang ang tanging anak na babaeng si Stacy.

Dahil nga pamilyado na siya, graduate na raw si Jao sa mga teenybopper roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I just want to be a flexible actor. Mas malawak siguro yung mga characters na magagawa ko, given the chance. Dun sa teenybopper, medyo limited ka e."

JAO, THE PAINTER. Graduate ng Fine Arts si Jao at makikita ang ilan sa kanyang mga paintings sa sarili niyang website, www.joaomapa.com.

Sa isang text message ni Jao sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi niya na 1993 nang pumasok siya sa College of Fine Arts sa UST at nitong 2003 lang siya nakapagtapos.

Aniya, "I still join groups whenever I am given the opportunity to join. I get to exhibit with Freddie Montemayor, Emong Borlongan, Malang. Dire-diretso pa rin..."

Nang papiliin siya kung pag-arte o pagpipinta ang mas gusto niya, pinili pa rin niya ang una. "My bread and butter is acting. My painting is on the side," sagot niya.

Read Next
Read More Stories About
Jao Mapa
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 30-year-old actor ay muling nasilayan ng publiko this year sa mga pelikulang You Are The One at Super Noypi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results