May isang Pinay pala na kabilang sa popular singing group sa Australia na Hi-5. Ito ay si Kathleen de Leon, na ipinanganak sa Pilipinas noong 1977, pero lumaki sa Sydney, Australia.
Dahil sa kasikatan ng grupo nina Kathleen ay may sarili silang children's show na ipinangalan sa kanila, ang Hi-5 na napapanoood sa Pilipinas sa pamamagitan ng cable channel na Nickelodeon.
Sa McDonald College sa Australia nag-aral si Kathleen. Isa itong exclusive school for the performing arts at dito lalong nahasa ang talento ni Kathleen sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte.
Bago maging isa sa mga hosts ng Hi-5 si Kathleen, naging part din siya ng musicals na Miss Saigon at Rent sa Australia.
May-asawa na si Kathleen at isa ring celebrity sa Australia ang kanyang mister. Ito ay si Daniel Jones ng sikat na pop duo na Savage Garden. May isang anak na sila na nagngangalang Mikayla.
Nais subukan ni Kathleen ang local showbiz. Paraan daw niya iyon para muli siyang makabalik sa Pilipinas at maituro niya sa kanyang anak ang kultura ng mga Pinoy.
Sa ngayon ay maaari na ring mapapanood si Kathleen sa pamamagitan ng pag-release ng Viva Video Inc. ng mga videos ng Hi-5. Available na ito sa mga leading video stores nationwide.
