Jenny Miller forced to spend Christmas eve in Dubai


Jenny Miller was forced to spent Christmas eve in Dubai because her Arab producer did not book a fligth back to the Philippines.

Jenny Miller forced to spend Christmas eve in Dubai

Rommel Gonzales

Rating


Matinding takot ang naramdaman ng sexy star na si Jenny Miller noong madaling araw ng December 24 sa Dubai Airport dahil natuklasan niyang wala siyang naka-schedule na flight pauwi ng Pilipinas.

 

Ito ang kuwento ni Jenny sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa cellphone noong Huwebes, January 4.

 

Ayon kay Jenny, dumating siya sa Dubai noong December 21 para sa isang three-night concert sa naturang bansa. Nakakontrata si Jenny for three nights, pero dahil ala-una ng madaling araw ang flight pabalik sa Pilipinas, hindi na siya nag-show ng gabi ng December 23.

 

Pinipilit pa nga raw siya ng Arabong producer na ituluy-tuloy na niya ang pagsu-show hanggang mismong araw ng Pasko. Umabot pa nga raw sa puntong willing na ang producer na doblehin ang talent fee niya at bibigyan pa siya ng diamond ring, huwag lamang umalis si Jenny.

 

Dahil may pamilyang naghihintay sa kanya sa Pilipinas, tinanggihan ni Jenny ang offer. Dahil sa pakiusap niya, naging maayos naman ang reaksiyon ng Arabo kaya tiwalang nag-empake ang sexy star at pumunta na sa airport.

 

Pero ganu'n na lamang ang pagkabigla ni Jenny nang nalaman niyang hindi siya ibinook ng Arabong producer ng flight pauwi sa Pilipinas.

 

Mabuti na lamang daw at may nakilala siyang mag-asawa na Pinay at Arabo na mga show promoters ding nagdadala ng mga Filipino artists sa Dubai. Ang mga ito ang tumulong kay Jenny upang makakuha siya ng flight pabalik sa Pilipinas.

 

Habang hindi pa siya naikukuha ng flight, sa bahay muna ng mag-asawa tumigil si Jenny upang hindi siya makita ng Arabong producer na pumipigil sa kanya.

 

Pero dahil peak season nga, sa Dubai na inabot ng noche buena si Jenny. Mismong Christmas day na nakakuha ng flight pauwi si Jenny, in time to celebrate Christmas kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement