Sa taping ng afternoon drama series na Muli ng GMA-7—starring Malaysian beauty queen-actress Carrie Lee and Pinoy hunk Alfred Vargas—last Tuesday, January 9, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa young actress na si Marian Rivera ang friendship nila ng dati niyang manliligaw na si Mark Herras.
"Okay pa naman. Nung Christmas, nag-text siya. Sabi niya, ‘Merry Christmas, Happy New Year!' Ganyan," sabi ni Marian.
Last December 14 ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Mark. Binati niya ba ang young actor?
"Actually hindi, kasi nakalimutan ko e! Sabi lang ni Popoy [Caritativo, Marian's manager] sa akin, ‘Binati mo na ba si Mark?' Sabi ko, ‘Ha? Birthday ba niya?' Tapos tinawagan ko siya kinabukasan, binati ko. At least, binati ko pa rin siya," natatawang kuwento ng dalaga.
Ayon pa kay Marian, hanggang phone lang sila at hindi sila nagkikita ni Mark recently.
Hiningan din namin ng reaksiyon si Marian sa pagkaka-link ni Mark kay Katrina Halili.
"Siguro wala namang masama kung ma-link sila sa isa't isa. Single naman si Katrina, single din si Mark. So, wala naman silang matatapakang tao. Para sa akin, okay lang yun," paliwanag ng young actress.
Kung manligaw ulit sa kanya si Mark, may pag-asa na kaya ang binata kay Marian?
"Kami ni Mark? Ayoko naman na magsabi na siguro hanggang doon na lang yun. Kasi ako sa sarili ko, hindi ko pa rin masasabi," sagot niya.
"Mabait naman si Mark, wala namang naging problema sa amin. Pero siguro mas maganda kung kaibigan na lang. Kasi yung nakaraan, parang tapos na yun," dagdag pa ni Marian.
Incidentally, kasama ni Marian sa Super Twins—ang bagong fantaserye ng GMA-7—ang dating girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado.
