PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis comes to Lani Mercado's rescue

Manay Lolit Solis defends Lani Mercado against Gretchen Barretto
by Wells Avante
Published Jan 22, 2007
Taking Gretchen Barretto to task, Lolit Solis says, "May pera siya, celebrity. Ang wala lang sa kanya, isang wedding. Walang intensyong masama si Lani nung sinabi niya ‘yon. Si Gretchen ang nagbibigay malisya. Ang kailangang tumapos niyan, si Gretchen. Siya naman ang hindi makalimot e."


Kilala si Lolit Solis na nagtatanggol sa lahat ng malalapit sa kanya, lalo na ang kanyang mga alagang artista. Kaya naman hindi pinalagpas ni Manay Lolit ang mga patutsada ni Gretchen Barretto sa alaga niyang si Lani Mercado.

Sa interview ni Gretchen noong Sabado, January 20, sinabi ng comebacking actress na hindi raw secure si Lani sa asawa nitong si Senator Bong Revilla. Ito ay bilang sagot sa Christmas wish ni Lani kay Gretchen na "I hope that she will have a marriage with Tony," na binigyan ng iba pang pakahulugan ni Gretchen.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng relasyon sina Gretchen at Bong nung early '90s. Kasal na that time si Bong kay Lani at noon ay may tatlo na silang anak—sina Brian, Jolo, at Inah. Si Gretchen naman ay may boyfriend din noon, ang basketbolistang si Joey Loyzaga. Tumagal ng apat na buwan ang relasyon nina Gretchen at Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay may anim na anak na sina Bong at Lani. Si Gretchen naman ay may isa nang anak, si Dominique, sa billionaire businessman na si Tonyboy Cojuangco.



Sa panayam kahapon ng S-Files via phone patch kay Manay Lolit, na nasa Los Angeles, California sa Estados Unidos, nagpakawala ito ng maaanghang na salita laban kay Gretchen.



"Totally, hindi niya makalimutan yung natikman niya kay Bong Revilla. Bakit hindi maka-move on si Gretchen? Naku, ewan ko kung ano natikman niya!" ang mataray na sabi ni Manay Lolit.

"Nairita ako nang narinig ko yung mga sinabi ni Gretchen Barretto! Naloka ako! Yung iba namang naging girlfriend ni Bong na artista, hindi naman nagsasalita. Bakit si Rufa Mae [Quinto], hindi nagsasalita?" patuloy niya.

At sa sinabi ni Gretchen na pito at hindi anim ang anak ni Bong, ang sagot ni Manay Lolit ay, "Tsaka si Gretchen, bakit alam niyang may... Si Lani ang tunay na asawa, hindi alam na may babae si Bong. Bakit siya alam niya? Iniimbestigahan ba niya si Bong Revilla?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang kamustahin naman ng S-Files host na si Paolo Bediones kay Manay Lolit si Lani, panay papuri ang naging bukambibig ng TV host-talent manager.

"Hangang-hanga ako sa ethics niya. Politically correct siya. Hindi siya nagsasalita," sabi ni Manay Lolit.



"Kahit anong sabihin mo, siya ang tunay na asawa, siya ang pinakasalan. Yung sinabi ni Gretchen na wedding at saka marriage, a different thing—it's the same thing. Parehong hindi matitikman ni Gretchen for the rest of her life," patutsada pa ng Startalk co-host.



Tinanong din ni Paolo si Manay Lolit kung ano ang opinyon niya sa Christmas wish ni Lani kay Gretchen.



"May pera siya [Gretchen], celebrity. Ang wala lang sa kanya, isang wedding. Walang intensyong masama si Lani nung sinabi niya ‘yon. Si Gretchen ang nagbibigay malisya. Ang kailangang tumapos niyan, si Gretchen. Siya naman ang hindi makalimot e," sabi ni Manay Lolit.



"Si Bong has always been a gentleman. Wala kang maririnig kay Bong. Nirerespeto niya si Tonyboy Cojuangco," pahabol pa ng TV host-talent manager bilang pangwakas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taking Gretchen Barretto to task, Lolit Solis says, "May pera siya, celebrity. Ang wala lang sa kanya, isang wedding. Walang intensyong masama si Lani nung sinabi niya ‘yon. Si Gretchen ang nagbibigay malisya. Ang kailangang tumapos niyan, si Gretchen. Siya naman ang hindi makalimot e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results