Meryll Soriano has left the Palanca house in San Juan, where she and husband Bernard Palanca had been staying since their September 8, 2006, civil wedding. Photo: Noel Orsal


Kumpirmado nang hiwalay ang bagong kasal pa lang na sina Meryll Soriano at Bernard Palanca.

 

Si Meryll diumano ang nagdesisyon na makipaghiwalay kay Bernard, although kinausap muna niya ang pamilya ng aktor at nagpaalam siya nang maayos. At press time, wala pang plano diumano si Meryll na balikan ang kanyang asawa dahil sa isang matinding dahilan.

 

Ayon sa ilang malalapit sa dalawa, it has something to do with "substance abuse."

 

September 8, 2006, ikinasal sa huwes si Meryll (anak nina Willie Revillame at Bec-Bec Soriano) at si Bernard (kapatid naman ni Mico Palanca at apo ng veteran actor na si Armando Goyena). Matatandaang ang kasal ay hindi sinipot ng pamilya ni Meryll, kasama na ang kanyang tiyahing si Maricel Soriano, kapatid ng kanyang ina. Ang nasabing kasal ay binasbasan ni San Juan Mayor JV Ejercito.

 

Nagsama sina Meryll at Bernard sa bahay ng mga Palanca sa San Juan. Kamakailan, umalis diumano sa bahay nina Bernard si Meryll at bumalik ang aktres sa bahay ng ina niyang si Bec-Bec sa Commonwealth, Quezon City.

 

Tatlong buwan nang buntis si Meryll sa kanilang panganay ni Bernard.

 

Nabalitaan na rin ni Willie ang nangyari sa kanyang anak. Nangako ang Wowowee host to help Bec-Bec with the needs of their daughter and soon-to-be grandchild.

 

Nakakagulat ang balitang ito dahil kai-interview lang ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Meryll sa opening night ng IndieSine: Bagong Agos, sa Robinsons Galleria, noong gabi ng January 16—na lumabas sa breaking news ng PEP the next morning, January 17. Sa interview, masayang-masaya pa ang aktres na nagkuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis at sa pagsasama nila ni Bernard.

 

"Sobra! I'm very happy! Obvious naman, 'di ba?" sabi pa niya noon about her pregnancy.

 

Ibinahagi pa nga ni Meryll na lalaki ang gusto nila ni Bernard na maging panganay na anak.

 

Sa ngayon ay parehong temporarily inactive sina Meryll at Bernard sa kani-kanilang showbiz career.