After promising that she'll take her acting career more seriously after her hiatus, Tanya Garcia is now two months pregnant with Pampanga Governor Mark Lapid's baby. Photo: Noel Orsal


Comfirmed na two months pregnant si Tanya Garcia kay Pampanga Governor Mark Lapid.

 

Nagpaalam si Tanya sa primetime drama-adventure series na Super Twins ng GMA-7 dahil maselan ang kaniyang pagbubuntis. Si Tanya ang gumaganap na Ayollah, ang madrasta nina Nicole Dulalia at Ella Cruz na gumaganap na Sha-Sha at Tin-Tin na nagiging sina Super S (Jennylyn Mercado) at Super T (Nadine Samonte).

 

Nag-request ang production staff na kung puwede ay two weeks leave na lang ang hingin ni Tanya dahil napaka-importante ng kaniyang papel bilang main female kontrabida of the toprating series na part ng GMA Telebabad. Nag-okay si Tanya rito so gagawan ng paraan ng creative team who are writing the series, headed by Dode Cruz, na mawala muna ang character niya for the time being.

 

Kailangang pakapitin daw ang bata dahil maselan nga ang pagbubuntis ni Tanya.

 

Tanya and Mark first met during the shooting of Batas Militar na ginawa nila last year. Although wala pa raw silang commitment sa isa't isa hanggang ngayon, naging constant dates ang dalawa in all showbiz events. Tanya is also wearing a two-carat solitaire diamond ring na bigay ni Mark bilang "dating ring" nila na minsan namang naitanggi ni Mark.

 

Tatakbo muli si Mark bilang gobernador ng Pampanga for a second term, ngunit may problema siya dahil baka hindi na siya ang i-endorse ng administration party for the same position. Reportedly, si Pampanga Board Governor Lilia Pineda ang napipisil ni President Gloria Macapagal-Arroyo na basbasan bilang kandidato ng administrasyon.

 

Ang Super Twins ang comeback soap ni Tanya sa Kapuso Network. She is the first female lead star of GMA-7 primetime soap, with two hit soaps—Sana Ay Ikaw Na Nga and Twin Hearts both opposite Dingdong Dantes.