In addition to his six existing shows—Eat Bulaga!, Mel & Joey, Startalk, Nuts Entertainment, and Takeshi's Castle on GMA-7 and Teka Mona on ABC-5—entertainment guru Joey de Leon hosts the new game show Slingo also on ABC-5. Photo: Noel Orsal


Joey de Leon is still Philippine television's most sought after host.

Araw-araw, napanood ang napakagaling na TV host/comedian/novelty singer sa television, sometimes twice and thrice a day. One of the hosts of Philippine TV's longest running noontime show Eat Bulaga! sa GMA-7 every Monday to Saturday, napapanood din si Joey tuwing Miyerkules ng gabi sa Nuts Entertainment, tuwing Sabado sa Startalk, tuwing Sabado at Linggo bago Eat Bulaga! sa Takeshi's Castle, at tuwing Sunday naman sa dalawa pang shows—Mel & Joey sa GMA-7 at Teka Mona sa ABC-5.

Ngayon, isa pang show ang madadagdag sa load ni Joey, ang game show na Slingo na magpa-pilot on March 24, Saturday, sa ABC-5.

Slingo, the world's most popular online gaming program created by Slingo, Inc. is a combination of the slot machine and bingo. Nabili ng Mojo Pacific ang intellectual rights ng Slingo to its owners and so first time din in the world na magkakaroon ng TV game show ang Slingo at sa Pilipinas ito magsisimula.

With the exemption of the rules in the qualifying round, halos magkapareho ang Slingo sa computer at Slingo sa TV. Individual lang kasi ang puwedeng maglaro sa computer game, whereas sa TV show, pares at may elimination pa dahil anim na pares ang maglalaro.

May devils and cherubs din sa TV show, but instead of just pictures, Margo Montano will play the Devil and Hillary Isaac, sister ni January Isaac, will play the Angel (or cherub).

Kaya't apat na beses nang mapapanood si Joey tuwing Sabado—tanghali sa Takeshi's Castle at Eat Bulaga!, hapon sa Startalk, at gabi naman sa Slingo sa ABC-5.

One of the original members of the StarStruck Council, nag-beg off si Joey for this year's edition. Kung saka-sakali, twice, thrice, and four times na siyang mapapanood every day.

Incidentally, dahil siguro sa sobrang pagiging busy, hindi nasipot ni Joey ang press con ng Slingo kahapon. For the record, ang Slingo ang magiging ika-pitong existing show ni Joey sa telebisyon.