PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea del Rosario inspired by her acting nominations

From a sexy star, Andrea is now recognized as a serious actress.
by Nonie Nicasio
Published Mar 24, 2007
"I think nabigyan lang ako ng chance ni God na makaramdan nito para mag-push pa talaga ako for the better. And marami pa akong gustong malaman at matutunan sa pagiging aktres ko," says sexy actress Andrea del Rosario about her nomination for her performance in Rome & Juliet.


Bago pa man naihayag ang winner sa kategoryang Best Actress-Drama sa nagdaang 4th Golden Screen Awards, na eventually ay napanalunan nina Maricel Soriano (Inang Yaya) at Gina Pareño (Kubrador), nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nominee na si Andrea del Rosario sa dressing room ng Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City. Hindi man nanalo ay masaya na ang dating member ng Viva Hot Babes sa pagkaka-nominate niya para sa pelikulang Rome & Juliet.

"I'm not expecting anything," sabi ni Andrea. "Sa totoo lang, ma-nominate lang ay parang panalo na rin ako, yun ang nararamdaman ko ngayon. Mapabilang lang ako sa mga magagaling at malalaking artista tulad nina Gina Pareño at iba pa, idikit mo lang ako sa mga ganoon, panalo na ako."

First time ma-nominate ni Andrea para sa anumang award-giving body at itinuturing niyang malaking bagay ito para sa kanya. Sa kasalukuyan kasi ay mas seryoso siya sa kanyang career kaya malaking inspirasyon ang naturang nominasyon para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung project na Rome & Juliet, biglaan lang din naman ‘yon at hindi ko ine-expect na makakakuha ito ng ganoong atensiyon. Medyo first time ko rin sa ganitong role na may pagka-lesbian. Yung mga ganoon na nakahalik ng babae, first time ko ‘yon, tapos ay Mylene Dizon pa ang kasama ko. Kaya happy talaga ako, parang icing on the cake ito, e.

Dagdag pa ni Andrea, "Mas serious ako sa craft ko ngayon. Kasi, di ba, dun naman talaga ang transition ng mga artista? You know, you show a little bit of skin and then you get known for it. But then again, you have to prove that you have more than that. You're just more than a body, you're just more than a face. So I'm in that stage right now and I hope that everybody sees that."

Dahil sa nominasyong ito, masasabi ba niyang magka-level na sila ni Maricel Soriano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay hindi!" mabilis niyang tugon. "Marami pa akong bigas na kakainin. Sobrang dami actually. I think nabigyan lang ako ng chance ni God na makaramdan nito para mag-push pa talaga ako for the better. And marami pa akong gustong malaman at matutunan sa pagiging aktres ko."

Bukod sa kanyang nomination sa Golden Screen Awards, nominated din for Best Actress si Andrea sa Star Awards for Movies para pa rin sa Rome & Juliet.

Welcome development din para sa morenang aktres ang paglaganap ng indie films sa kasalukuyan.

Ani Andrea, "I think it's healthy for the industry, kasi nabibigyan ng pagkakataon yung mga bagong directors, producers to come up with a nice project. And it's not so expensive, at least mababalik din yung pera sa kanila. Siyempre, nakapagbibigay ito ng maraming trabaho sa mga artista. Healthy development talaga ito na umaarangkada ang indie films."

Nagpahayag din si Andrea ng pananaw sa napipintong pagbabalik ng sexy movies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sa tingin ko, ang bumabalik ay yung sexy movies na classy ang dating. Hindi yung tulad ng dati na sexy movies na basta maghubad lang. I think mas nagiging wiser ang moviegoers now, e. Now kasi, parang it's just a natural thing na makitaan ng ganito, ng kaunting skin. Kaya parang mas nagiging class yung mga projects na pang-adult ang tema.

"Pero hindi na yung tulad ng dati na kahit hindi kailangan sa movie, isinasalpak ang mga hubaran para makahatak lang ng tao. Hindi na ganoon ang kalakaran ngayon. Mas mabuti ang ganito para sa mga dekalidad na pelikula," opinyon ni Andrea.

Read Next
Read More Stories About
Andrea del Rosario
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think nabigyan lang ako ng chance ni God na makaramdan nito para mag-push pa talaga ako for the better. And marami pa akong gustong malaman at matutunan sa pagiging aktres ko," says sexy actress Andrea del Rosario about her nomination for her performance in Rome & Juliet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results