"He is more of a balladeer and I am more of a pop singer. Magkaiba po yung singing style namin," says Sam Concepcion (left) about being compared to Christian Bautista. Photo: Noel Orsal

Nine years old pa lang daw ang young singer-actor na si Sam Concepcion nang mag-enroll siya sa Trumpets Playshop advance musical theatre class. After that, he was cast sa stage play ng Trumpets na The Lion, The Witch and The Wardrobe. At nagtuloy-tuloy na nga ang showbiz career naman niya after he was named Brigthtest Star sa singing search na Little Big Star.

Now that Sam is already 14 years old, he is still continuously training on his voice, acting, and dancing.



Kaya naman kahapon, March 28, sa Club O ay isa si Sam among the Stages talents na nag-e-encourage ngayon for kids and teens to enroll sa inu-offer ng Trumpets na summer workshop, which will run from April 2 to June 2. Pero dahil sa Lenten season, mag-e-extend daw until April 14 ang enrollment.



Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung saan ba siya mas nahirapan, sa theatre or sa television, since pareho niyang mundo ang dalawang medium na nabanggit.



Ayon kay Sam, "It's different. Actually, it's both hard. I love them both. I love theatre because I really love the stage at doon talaga ako nagsimula. I really love acting and singing and performing on stage. It's completely different in TV and on stage. I also love TV and I want to be a performer as well, but at the same time, I don't want to leave theatre naman."



Year 2002 pa raw ang last stage play na nilabasan ni Sam kaya it's a big welcome for him na this time, he's back on stage via the High School Musical, wherein he will play the lead role. Although ang ibang cast members ay kasalukuyan pa lang hinahanap through an ongoing audition.



"It's gonna be a big comeback kasi I really missed theatre. So I'm really really excited!" sabi pa ni Sam.



Bukod sa pagbabalik theatre niya through High School Musical, isa pa raw sa mga plano ni Sam ay ang matuloy ang pagiging recording artist niya through his debut album that will come out soon.



Because of this, hindi maiwasan na maikumpara si Sam sa kasama niya sa Stages Productions na si Christian Bautista. Sinasabi pa ngang tila patterned ang career ni Sam sa tinaguriang Asia's Pop Idol na si Christian dahil from theater ay nag-shift na si Christian sa singing and mainstream acting.

Ano ang masasabi ni Sam dito?



"Patterned? Hindi rin po, e, kasi we have different music genres. He is more of a balladeer and I am more of a pop singer. Magkaiba po yung singing style namin. But yes, we are both managed by the same company and they are very good, I can say that," paliwanag ni Sam.



Dagdag pa niya, "Of course, that's make me proud being part of Stages and Trumpets and Christian being here, Reymond Sajor, and all of the upcoming singers in the TV industry. I'm just happy being part of it and I thank all of them for all the training that they gave me."

We also learned from Sam na hindi pa naman pala siya nababakante sa television after ng Super Inggo. Since si Makisig Morales ay kasama na ni Sarah Geronimo na naghu-host ng Little Big Superstar, si Sam naman daw ay may soap opera rin na ipalalabas.

"Kasama po ako sa teleseryeng Walang Kapalit nina Piolo Pascual and Claudine Barretto, and I play the role of young Piolo there. Aside from that, I am currently dubbing the voice of Yukio Tanaka for the Japanese anime, Beck, na ipapalabas naman po sa Hero channel," pagbabalita pa ni Sam bilang pagtatapos.