PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-girlfriend of Gabby Concepcion being linked to "Jose Pidal"

Grace Ibuna-Javier and Congressman Iggy Arroyo are both have ongoing annulment case with their respective spouses.
by Jojo Gabinete
Published Apr 3, 2007
Former actor Gabby Concepcion's ex-girlfriend and mother of his daughter Gabrielle, Grace Ibuna-Javier, is reportedly playing sweet music with controversial solon, Congressman Iggy Arroyo or better known as "Jose Pidal."


Ongoing na ang annulment case na isinampa ni Grace Ibuπa-Javier laban sa kanyang asawa.



Naging bahagi ng showbiz si Grace dahil ex-girlfriend siya ng aktor na si Gabby Concepcion, at nagkaroon sila ng love child na si Gabrielle, na nagmomodelo rati at nagpaplano ngayong maging singer.



Pinagpistahan noon ng entertainment press ang relasyon nina Grace at Gabby dahil naguluhan ang publiko sa relasyon naman ni Gabby kay Sharon Cuneta.



Kontrobersyal muli si Grace dahil iniuugnay ang kanyang pangalan kay House Representative Ignacio "Iggy" Arroyo, a.k.a. Jose Pidal, ang nakababatang kapatid ni First Gentleman Mike Arroyo.



Ongoing na rin ang annulment ni Congressman Arroyo na isinampa sa kanyang asawang si Aleli Arroyo, na nag-aakusa na may relasyon si Grace at ang kanyang mister.



Nagdiwang ng 18th birthday noong December 23, 2006, sa isang five-star hotel si Gabrielle. Hindi man nakadalo si Gabby, na nakabase sa California, USA, dumating naman sa debut party ang ama ni Gabby na si Rollie Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Kabilang si Congressman Arroyo sa mga bisita nang gabing 'yon, at sa interview ng S-Files kay Grace, hindi man nito kinumpirma ay hindi rin naman siya nag-deny tungkol sa pagkakaugnay sa kanya kay "Jose Pidal."

Pilit na itinanong ni Grace sa staff ng S-Files kung sino ang "bubuwit" o source nila? Wala man siyang kinumpirma sa tsismis tungkol sa kanila ni Congressman Arroyo, sinabi ni Grace na masaya ang kanyang lovelife.



Ang pagpapa-annul ni Grace sa kasal nila ng kanyang low-profile estranged husband ang lalong nagpaingay sa balita na more than friends ang relasyon nila ng controversial solon. Matatandaang lumitaw si Iggy Arroyo at inakong siya si "Jose Pidal" nang idinidiin ng ilang pulitiko na ang "Jose Pidal" na may malalaking deposito sa bangko mula sa di maipaliwanag na sources ay si First Gentleman Mike Arroyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Gabby Concepcion's ex-girlfriend and mother of his daughter Gabrielle, Grace Ibuna-Javier, is reportedly playing sweet music with controversial solon, Congressman Iggy Arroyo or better known as "Jose Pidal."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results