Jean Garcia joins the cast of GMA-7's new sitcom, Who's Your Daddy?. Photo: Edward dela Cuesta


First time palang magkakaroon ng sitcom ang dramatric actress na si Jean Garcia sa tinagal-tagal niya sa television industry.



Kasama si Jean sa bagong sitcom ng GMA-7, ang Who's Your Daddy? na siyang papalit sa timeslot ng magtatapos nang Lagot Ka, Isusumbong Kita, kaya gano'n na lang ang excitement nitong sumabak sa mundo ng comedy.



Matatandaang nung nasa ABS-CBN pa lang si Jean ay kung ilang drama series at teleseryes na rin ang pinagdaanan niya kaya welcome na welcome sa kanya ang pagpapatawa naman this time.



Kasama ni Jean sa Who's Your Daddy? sina Joey Marquez, Raymart Santiago, Paolo Contis, Celia Rodriguez, among others.



Sa movies, huli siyang napanood sa Happy Hearts ng Regal starring Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Rustom Padilla, and Wendell Ramos.



Samantala, walang keber si Jean kung na-sight man siyang nag-watch ng Mr. Gay Philippines 2007 finals night sa Metro Bar kamakailan lang.



Ang totoo'y hindi niya alam na may ganung contest daw dun that night dahil type niya lang pagbigyan ang imbitasyon sa kanya ng isa sa hosts ng bar that night na si Pretty Trizia, pero walang sinabing may ganung contest.



Galing si Jean sa provincial promo ng Bioessence na siya niyang ine-endorse at dun na sila tumuloy sa Metro Bar.



Walang nakikitang masama si Jean kung mag-watch man siya ng Mr. Gay Philippines dahil aminado siyang "babaeng baklesh" naman daw siya. Ang nanalo sa said contest ay magre-represent sa Pilipinas sa gaganaping Mr. Gay International sa United States, kalaban ang iba pang gay macho men worldwide.



Ang nag-represent sa Pinas last year sa Mr. Gay International ay si Robbie Tarroza na siya nang co-producer ng local contest this year.