Sa dami ng mga papuri kay Mariel Rodriguez dahil sa kanyang performance sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) with Ryan Eigenmann, aminadong mas pressured ngayon ang kikay at pamali-maling TV host.
"Paano naman kasi masyadong overwhelming ang mga naririnig kong feedback. Ayoko na ngang pakinggan dahil baka lumaki na ang ulo ko! Kumusta naman kaya yun?" ang pabakla pa nitong pahayag nang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
But indeed, Mariel is so happy about what she did in MMK because she discovered that she could do serious acting pala. She said that she never imagined herself crying buckets without any difficulty.
"Kahit ako nagulat na nagawa ko yun. Lagi na lang kasi nila akong pinagtatawanan dati kahit todo-iyak na ako, mukhang nagpapatawa pa rin daw mukha ko. Kaya kinarir ko ang pag-drama sa MMK. Though I discovered na ang pangit ko pala kapag ngumangawa!" she added with big laughter.
Kahit na kikay ang imahe ni Mariel sa showbiz, lalo na sa kanyang bulol na istilo ng hosting, gusto nitong makilala bilang isang seryosong artista.
"Iba siyempre kapag aktres ang turing sa ‘yo. Iba ang level! Pero that is still a long way to go. Kailangan muna magkaroon ng maraming projects at dapat laging pagbutihin di ba?" sabi ni Mariel.
Loveless ngayon si Mariel. Ipinagtataka nga raw niya kung bakit tila walang gustong manligaw sa kanya. Medyo nagpaseksi na nga raw siya sa April issue ng dalawang fashion/lifestyle magazines (Cosmopolitan at Chalk), pero parang hindi pa rin siya pinapansin ng mga lalaki.
In jest, Mariel stated, "Kung ayaw nila, e, di huwag! Ako na lang ang manliligaw sa kanila! Saan ka pa?!"
We asked her if she is ready for mature roles, say, for instance, having kissing scenes with her leading man.
"Ay, may ganyan! Siguro kapag si Aga Muhlach na ang leading man ko!" Mariel laughed.
"Hindi ba nakakahiya kay Charlene [Gonzalez-Muhlach, Aga's wife]? Nagpiprisinta talaga ako!" tawa niya ulit.
Then, she blurted out, "Ay, ang sabi nga pala nila kapag may hiya feeling daw, mas yun ang may malice. Kaya sige tatanggalin ko na ang hiya ko, sasabihin ko nang si Aga Muhlach ang gusto kong makahalikan sa movie!"
Mariel is regularly seen in Wowowee and Pinoy Big Brother Season 2.