news

Kris Aquino gives birth to baby James!
by Julie Bonifacio posted on April 19, 2007  STATS: 3674 Views | 0 Comments
Kris Aquino gave birth to Baby James today at 4:50 p.m. The famous TV host-actress is 17 days ahead of her due date, and on her 35th week of pregnancy. Photo By: Emerson Sy


Isinilang na ng TV host-actress na si Kris Aquino ang unang anak nila ng basketbolistang si James Yap kaninang 4:50 ng hapon sa Makati Medical Center.

Si James Jr. ay may bigat na 4.3 lbs.

Katabi ni Kris ang mister niyang si James habang nagle-labor siya hanggang maipanganak niya si baby James.



Earlier, between 1 to 2 pm, ay dumating sa ospital ang mag-asawa para sa regular check-up ni Kris sa kaniyang OB-Gyne na si Dra. Grace Luna. Today, April 19, dapat malalaman ni Kris kung kailan pwedeng biyakin ang kaniyang tiyan.

But after a couple of hours, isinugod na sa delivery room si Kris. Bigla raw kasing nagkaroon ng contraction si Kris kaya nagdesisyon na ang kaniyang OB-Gyne na dalhin siya sa delivery room.



Bago pumunta ng hospital, nakaayos na ang mga gamit at damit ng bata. Bumalik raw naman si James sa Oakwood, kung saan nakatira ang mag-asawa, pagkahatid kay Kris sa ospital para kunin ang videocam. Pumunta rin si James sa mga executives ng kaniyang koponan sa PBA (Philippine Basketball Association), ang Purefoods, upang magpaalam na di siya makakapag-report sa game nila today vs. Air 21.



Samantala, nasa Galleria naman ang panganay ni Kris na si Joshua—anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador—para sa kaniyang piano lesson kay Ryan Cayabyab. Ipinaalam na rin ng mga kasama ni Josh na nanganak na ang kaniyang Mommy. Pero bago umalis sa Galleria ay nagyaya muna si Josh na mag-computer at saka kumain sa KFC.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About