PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB evictee Kian Kazemi, bad boy no more

Kian says he will continue courting co-housemate Gee-Ann.
by Nora Calderon
Published Apr 20, 2007
Pinoy Big Brother 2 third evictee Kian Kazemi suffered from hair ailment called "aloepecia areata," because of serious tension and pressure. Because of this ailment, Kian lost most of his hair.


Nanlalamig ang mga kamay ng third Pinoy Big Brother (PBB) 2 evictee na si Kian Kazemi nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 9501 restaurant ng ABS-CBN last April 19. Tulad ng nauna sa kaniyang evictee na si Ezekiel Dimaguila, akala raw ng 21-year-old na si Kian ay para siyang boxer na palilibutan ng mga press at tatanungin.

"Pero ang ganda po nito, very intimate," nakangiting wika ng half-Persian, half-Filipino na si Kian.

Ano ang naramdaman niya nang ma-evict siya?

"Naka-ready na ako at part ‘yon ng buhay. May reason kung bakit ako ang na-evict, no regrets ako. Yung nakapasok lang ako sa PBB 2, very thankful na 'ko. Isang experience ‘yon na hindi ko na malilimutan," sabi ni Kian.

Gee-Ann. Naging close agad kay Gee-Ann si Kian pagpasok niya. Bakit niya binigyan ng bracelet ang dalaga?

"May gifts talaga akong dala para sa mga co-housemates ko. Pero nagdala ako ng isang special gift para sa kung sinuman ang magwi-welcome sa akin with open arms and who will accept me as I am. Si Gee-Ann, isinama niya agad ako sa room, nagpakilala sa akin, ipinakilala rin ang family niya at ang kaniyang doll, si Pamela. Kaya ako, alam ko siya na yung dapat kong bigyan ng bracelet," kuwento ni Kian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya na-weirduhan na dinala pa ni Gee-Ann ang doll niyang si Pamela sa loob ng Bahay ni Kuya, pero later on ay pumayag ding mawalay ito sa kanya?

"At first, parang ganun ang feeling ko," pag-amin ni Kian. "Pero later on, na-realize ko na si Pamela ang witness niya ng 15 years of hard time, simula nang iwanan sila ng father niya. Si Pamela is someone to lean on. I know, kung pumayag na siyang ma-separate sa kanya si Pamela, she wants to let go of something. Iba kasi ang level of thinking ni Gee-Ann. She's witty, sharp, and she's a girlfriend material."

Kung ma-evict ba si Gee-Ann, itutuloy ba ni Kian ang panliligaw niya sa dalaga? Sa pagkakaalam ba ni Kian ay walang boyfriend si Gee-Ann?

"Yes, itutuloy ko ang panliligaw sa kaniya," diretsong sagot niya. "Ang alam ko, hindi na sila okay ng boyfriend niya. Ako naman, wala naman akong girlfriend. Meron noon, pero wala na kami bago pa ako pumasok sa PBB."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Before and after PBB. How is life after the eviction?

"Nag-waiter na ako sa Persian Grille resto namin sa may Salcedo Village in Makati. Nag-guest na rin ako sa Wazzup Wazzup, Homeboy, at nag-Uplate na ako last Wednesday evening."

Pag-aari ni Kian ang Persian Grille. Graduation gift daw ito ng parents niya sa kaniya. Bago raw siya pumasok sa PBB 2, hindi pa ‘yon tapos na tapos.

Hindi ikinaila ni Kian na dati siyang marijuana user for three years, basagulero, at lahat yata ng hindi magandang ginagawa ng mga kabataan, nagawa niya. Ito raw ay dala ng kaniyang insecurities dahil sa hair ailment niya—ang "aloepecia areata," isang stress-related ailment na dumadapo sa mga tao under serious tension and pressure.

Marami raw kasing nangyari sa kanilang pamilya noon. Bumagsak ang business ng parents niya, lumipat sila sa isang depressed neighborhood, at na-bully siya ng kaniyang mga kaklase at mga kapitbahay at tinawag na "mabahong Bumbay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagising ako nang mapasali ako sa isang rumble at muntik nang hindi maka-graduate. Hindi ako bagsak sa academics, bagsak ako sa conduct. Ako yung ‘you make the rule, I'll break it.' Basta ibinigay na lang ang diploma sa akin, hindi na ako pinasama sa graduation rites. But I'm glad na naging very supportive sa akin ang parents ko at itinuloy ko ang studies ko," kuwento ni Kian.

Naka-recover naman ang family ni Kian. Ang Daddy niya ang may-ari ng Kazemi Persian Carpet in Makati, samantalang ang Mommy naman niya ang may-ari ng Red Tomato line of clothing na may three branches na.

Kian grew up to be a focused, healthy, and successful young entrepreneur. He also models on a part-time basis.

Showbiz career. Tuluyan ba niyang papasukin ang showbusiness at kaya ba niyang abutin ang kasikatan ng dati ring PBB housemate na si Sam Milby?

"I'm open to all options," sabi ni Kian. "I consider myself versatile. I'm a fast learner, kakayahin ko lahat ng ibibigay sa akin. I don't want to be compared to Sam. Gusto kong paghirapan ang anumang ambition ko. Basta ako, alam ko I love to entertain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin ikinaila ni Kian na may mga naging gay friends siya dahil mahal daw niya lahat ng taong nagmamahal sa kaniya. Kung mahal daw siya ng isang gay, mamahalin din niya ito.

Sino ang Top 4 na gusto niyang manalo sa PBB?

"Ang Top 4 ko, sina Nel, Bruce, Mickey, and Gee-Ann. Mas naging close kami talaga ng mga boys kaya tatlo sila at si Gee-Ann lang talaga ang naging close ko sa mga girls. Pero ang gusto ko talagang manalo si Nel," sabi ni Kian.

Pinabulaanan din ni Kian ang kumakalat na balita na bakla si Nel. Nagpapatawa lang daw ito sa pag-arte na parang bading.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother 2 third evictee Kian Kazemi suffered from hair ailment called "aloepecia areata," because of serious tension and pressure. Because of this ailment, Kian lost most of his hair.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results