"Habol namin ni Gelli ang British educational system and it's higher than the educational system in the States... We've raised our sons to be independent kids, at makakaya nila ang buhay sa ibang bansa. Hopefully, pagbalik namin dito ay para mag-retire na lang," says Ariel Rivera about his plan to migrate to Canada with his family. Photo: Noel Orsal


Sa isang pakikipagkuwentuhan sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nabanggit ni Ariel Rivera na tuloy ang pagma-migrate nilang mag-anak sa Toronto, Canada, sa year 2015. Doon na raw magha-high school at magka-college ang dalawang anak nila ni Gelli de Belen na sina Joaquin at Julio.



"Habol namin ni Gelli ang British educational system and it's higher than the educational system in the States. May bahay na kami roon and they can bring girls in the house. We've raised our sons to be independent kids, at makakaya nila ang buhay sa ibang bansa. Hopefully, pagbalik namin dito ay para mag-retire na lang," pahayag ni Ariel.



Habang nandito pa, tuluy-tuloy ang trabaho nina Ariel at Gelli sa GMA-7. Si Gelli ay host ng SIS at may special participation sa bagong soap opera ng GMA-7, ang Impostora. Si Ariel naman ay nasa Fantastic Man at babalikan ang recording. May tinatapos itong album sa SonyBMG, na remake ng Filipino original songs with a big band for accompaniment.



"Mala-Michael Buble ang arrangement ng songs, bagay sa edad ko. Songs from the ‘70s and ‘80s at may song ni Ric Segreto. Sana lang, wala pang nag-remake ng mga ni-record ko dahil ang dami nang nagre-remake," banggit nito.