The popular Japanese live action series, Shaider, will finally have a Philippine version now that GMA-7 has acquired exclusive rights. StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor Marky Cielo will play the role popularized by the late Japanese actor Hiroshi Tsuburaya. Photo: Courtesy of bb.bbboy.net (Shaider), wiki (Hiroshi), & Noel Orsal (Marky)


Shaider, or Uchuu Keiji Shaider (English translation: Space Sheriff Shaider), is a Japanese live action series that originally ran in Asahi TV Japan noong 1984. Sa Pilipinas, it was first broadcast and dubbed in Filipino sa IBC-13 in the late '80s—pero ayon sa wikipedia ay noong 1992 raw ito unang ipinalabas sa Pilipinas—then re-telecast sa GMA-7 noong 2003. Its last syndicated run was in Hero TV, the cartoon channel of ABS-CBN, two years ago. It had 48 original episodes.

 

Tulad ng isa pang popular Japanese work na Lupin, nakuha rin ng GMA-7 ang rights ng Shaider. Isa ito sa mga susunod na primetime shows ng Kapuso Network.

 

Dominic Zapata is set to direct the Philippine version of Shaider after his Super Twins stint.

 

Ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo ang nakatakdang gumanap sa papel na Shaider. Samantala, si Kris Bernal—na bahagi ng StarStruck 4 Ultimate Loveteam—ang napipisil na gumanap na Annie.

 

Si Jay Manalo naman ang gaganap sa main villain na si Drigo. He will have five female assistants—four of whom will be Bianca King, Isabel Oli, Vaness del Moral, and Iwa Moto.

 

Ang Shaider din ang magiging follow-up primetime show ni Raymart Santiago after Narito Ang Puso Ko with Jolina Magdangal.

 

Sa original version ng Shaider, ang main character bilang Shaider/Dai Sawamura ay ginampanan ni Hiroshi Tsuburaya. Sa Philippine version nito, ginawang Alexis del Mundo ang pangalan ng alter ego ni Shaider. Si Annie naman ay ginampanan ni Naomi Morinaga.

 

Namatay si Hiroshi noong July 24, 2001 sa edad na 37 dahil sa liver cancer.

 

Balitang ang Shaider ang papalit sa Asian Treasures nina Angel Locsin and Robin Padilla na magtatapos next month.