Actress-TV host Dawn Zulueta will again be visible on television as she and her family move to Manila after her husband, Anton Lagdameo, won as congressman for Davao del Norte. Photo: Noel Orsal

Walang duda na si Dawn Zulueta ang isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz. Nang mag-guest co-host nga siya sa The Buzz kahapon, June 3, ay lutang na lutang ang ganda niya sa suot niyang white party dress, at kering-keri ang paghu-host dahil hindi siya nagpahuli sa kanyang mga kasamang sina Boy Abunda at Cristy Fermin.



"Guest co-hosting lang ito and they offered me a few months back after nanganak si Kris [Aquino]. Gustuhin ko man noon, I could not do it kasi nangangampanya ako, e. Busy ako that time," sagot ni Dawn nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung magtatagal ito sa pagiging guest co-host after Ruffa Gutierrez, who just arrived from a two-week vacation sa United States.



Paano kung kunin siyang regular host ng The Buzz?

"Hindi naman yata puwede mangyari 'yon, nakakahiya naman kay Kris. I think babalik pa si Kris. Kung ibang show o igi-give-up ni Kris, I will consider it," nakangiting sabi ni Dawn.

Sa kabila nito, tiyak na mas madalas nang mapapanood si Dawn sa TV— either in a teleserye or hosting a show—dahil inaayos na nila ang kanilang malilipatan dito sa Manila pagkatapos manalo ng kanyang mister na si Anton Lagdameo bilang congressman sa Davao del Norte.



"I'm preparing already to move here kasi since na nanalo 'yong husband ko, we will be based again in Manila. So busy ako ngayon, hinahanda ko 'yong condo na lilipatan namin," pagbabalita ng magandang aktres.



Ayon kay Dawn, bagama't nanalo na si Anton ay hindi pa rin niya nararamdaman ang pagiging first lady of the province dahil mayroon pa siyang hangover sa nakaraang pangangampanya.

"I'm really quite excited in the prospect of serving. Large scale nga lang kasi ito, buong distrito na, maraming mga constituents ang aalagaan," aniya.



Does she still have plans to do a movie?



"Right now, I am looking at producing na lang myself," sabi ni Dawn. "I'll probably try na lang digital siguro. At least, mas mura. Gusto ko lang na magkaroon ng control sa material kaya I want to continue producing, like what I have done before for GMA-7."

Sa ibang balita naman, last week ay nag-guest si Dawn sa morning show ni Boy na Homeboy sa ABS-CBN. Nakasabay niya bilang panauhin ang bagong halal na konsehala ng Caloocan City na si Marjorie Barretto, nakababatang kapatid ng naka-alitan ni Dawn na si Gretchen Barretto. Very civil naman sina Dawn at Marjorie sa kanilang pag-uusap.

Sa isang portion ng Homeboy ay may naisagot si Dawn na isang tao lang daw ang kailangang humingi ng tawad sa kanya, pero hindi niya binanggit kung sino ito. Pagkatapos ng programa ay tinanong siya ng PEP kung si Gretchen ba ang tinutukoy niya.



"Ay, hindi ko na sasabihin!" sabi niya. "Nandito lang sa mind ko, pero hindi ko sasabihin. Pero ang alam ninyo isa lang, pero may iba pa naman. May iba pa."



Paano kung isipin ng mga nakapanood na si Gretchen ang tinutukoy niya?



"Hindi," pagtanggi niya. "Huwag na natin pag-usapan 'yan. That's past. Huwag na lang mag-comment diyan. Mabuti't tahimik na ang isyung 'yan."